Pagbubulay-bulay at Pahinga

 

Noong panahon ng World War II, may mga bansang nagtangka na ibahin ang ritmo ng pagtatrabaho at pamamahinga. Nag-eksperimento na gawing dalawa o tatlong linggo na tuloy-tuloy ang pagtatrabaho at gawing sunod-sunod na tatlong araw ang pahinga. Hindi ito umubra. Napag-alaman na sadyang mas efficient ang mga nagtatrabaho sa mga pabrika o sa mga ospital kung nakakapagpahinga sila tuwing ika-pitong araw.

 

Bakit mahalaga sa tao ang pahinga?

 

Mapapansin na sa Genesis 1, pitong beses na sinabi ng Diyos ang ganito: ‘Pinagmasdan niya ang kanyang ginawa, at siya’y nasiyahan.’ At sa ika-pitong araw, ang Manlilikha ay nagpahinga. Binukod-tangi niya ang araw na ito at pinagpala.

 

Ang ‘Sabbath’ o Araw ng Pamamahinga ay mahalagang kautusan. Sa simula pa lang ng pagtatatag ng bansang Israel, kasama na ito sa Sampung Utos na nakasaad sa Exodo 20:8-10:

 

“Italaga ninyo sa akin ang Araw ng Pamamahinga. Anim na araw kayong gagawa ng inyong gawain. Ang ikapitong araw ay Araw ng Pamamahinga at itatalaga ninyo sa akin. Sa ikapitong araw, walang gagawa isa man sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga katulong, ang inyong mga hayop o sinumang naninirahan sa inyong bayan.” Dahil mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa sa araw na ito, gumawa ng napakaraming batas at alituntunin ang mga eskriba at Pariseo kung paano tutupdin ito. Ang legalismong ito ay bagay na madalas na maging sanhi ng kontrobersya sa pagitan ng mga Pariseo at ni Jesus noon.

 

Ano ang ibig sabihin ng mamahinga?

 

Sa ganang amin, hindi lamang ito paghinto sa mga pang-araw-araw na gawain upang makapagpanibagong-lakas. Ito ay araw ng pagtutuon ng ating buong pansin sa Panginoon. Sa araw na ito, iniimbitahan tayo na makilala muli siya at magkaroon ng panibagong pagtanaw sa  ating mga sarili at gawain.

 

Malasin kung paanong sa bawat yugto ng kanyang paglikha, pinagmamasdan at inisipat ng Diyos ang kanyang nagawa na at siya’y natutuwa. Mahalaga ang ganitong pag-distansiya at pagsusuri sa ating mga trabaho. Marami sa atin ang gawa lang nang gawa at hindi tinitingnan kung ayos ang trabaho o kung saan ito patutungo.

 

Ang Araw ng Pamamahinga ay ibinigay sa atin na pagkakataon upang tingnan, mula sa malayo, ang kahalagahan ng ating mga pinagkaka-abalahan sa buhay. Ito ay itinalaga upang mapagbulayan natin, sa harapan ng Diyos, ang tunay na saysay ng ating mga gawa.

 

Mahalagang pansinin na matapos lumikha ang Diyos, pinagmasdan niya ang lahat ng kanyang ginawa at lubos na lubos ang kanyang kasiyahan. Galak na galak siya sa natapos niyang gawa.

 

Ganito rin ba ang ating nararamdaman sa mga bagay na nililikha ng ating mga kamay? Umaasa kami, lalo na sa ating mga opisyal sa gobyerno, na sila ay tunay na nasisiyahan sa kanilang mga ginagawa, at kaya nila itong ipagmalaki, sa kasaysayan at maging sa kanilang kaapo-apuhan.

 

---------------------------------------------

 

Ang Sa Ganang Amin ay kalipunan ng mga editoryal ng ISACC. Ginagawa ito sa pakikipagtulungan ng People’s Tonight, DZAS at AP Media. Para sa inyong komentaryo, maaaring mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .

 




Sa Ganang Amin

Delicadeza

Published : Saturday May 19, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 258
By : Maria Fabella Fajardo

“BAKIT ako nag-resign? Para ipakita na buhay pa ang delicadeza ng pulitika sa Pilipinas.” Iyan ang sabi ng resigned senator na si  Juan Miguel Zubiri sa ulat ni Val Balita ng ABS-CBN News nu’ng Abril 27, 2012. Sa darating na Martes, Mayo 22, siguradong tututukan ng buong bansa, at maging... Read more

‘Patawarin kami sa aming mga utang’

Published : Saturday May 12, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 198
By : Melba Padilla Maggay

TAMA ang pakiwari ng ating kultura na ang hindi nagbabayad ng utang ay balasubas. Ngunit paano kung ang utang ay sobra-sobra na ang interes? Paano kung ang isang tao ay sadyang walang-wala at kailangan talagang umutang ngunit alam nating hindi ito mababayaran? Sa Banal na Kasulatan, karamihan ng mga katuruan... Read more

Kailangan ko ng ID

Published : Saturday April 28, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 623
By : Maria Fabella Fajardo

“ANNOUNCEMENT: Pres. Noy2x & Pres. Obama of USA apprvd 150 milion dollar budget for d UNIFIED MULTI SSS ID SYSTEM (666), DZRH reported! Nag start na! Biochips einject sa right hand or forhead ng tao w/c they call lyftime savngs and U.S. nxt is d Phil. Dami ngpatatak accordng to... Read more

Ang Butil ng Bigas ay Butil ng Buhay

Published : Saturday April 21, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 465
By : Maria Fabella Fajardo

AYON sa International Rice Research Institute (IRRI), 300,000 tonelada ng kanin ang nasasayang taun-taon sa konsumo ng Pilipinas. Ito ay umaabot sa 36% ng inangkat na bigas nung nakaraang taon. Dagdag pa sa ulat na ito, ang mga nasa middle-class ang malakas na magsayang ng bigas. Bago natapos ang taong... Read more

Sa Pagtatagpo ng Habag at Katarungan

Published : Saturday April 14, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 553
By : Dr. Melba Padilla Maggay

PAANO paninindigan ang katarungan habang pinaiiral din ang habag? Nitong nakaraang linggo ay inalala natin ang pagkamatay at pagkakapako ni Kristo sa krus. Namalas natin na kahit nuon pa man, ang katarungan ay nababaluktot kapag may mga opisyal na katulad ni Poncio Pilato na naghuhugas na lamang ng kamay at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC