May Porma Na, May Laman Pa

 

Nuong panahon ng martial law,  ang dating Unang Ginang Imelda Marcos ay nagpalagay ng mga matataas na bakod sa mga kalyeng daraanan ng kanyang mga bisitang banyaga. Ito ay upang maitago ang mga gigiray-giray na bahay ng mga squatter na nasa gilid ng kalsada. Pininturahan pa ang mga pader ng puti kaya nagmukha itong malinis at kumikinang sa sikat ng araw.

 

Kung minsan, natatangay talaga tayo ng mga panlabas na kaanyuan.

 

Marami sa atin ang mahilig pumustura at pumorma, kahit walang pera. Maging sa ating mga trabaho, gusto natin magpakitang-gilas, kahit na sa totoo lang, wala namang laman ang presentasyon at puro lamang porma. At kapag may party, mahilig tayong magpa-bongga, kahit na kinabukasan, puro utang at wala nang maitustos sa regular nating pangangailangan.

 

Ang pagpapakitang-tao ay taliwas sa ninanais ng Diyos na makita sa ating pamumuhay at mga gawa. Hindi nagkakahiwalay ang salita at gawa ng Diyos. Ang pagkalikha niya sa ating mundo ay hindi lang may kaakit-akit na anyo, bagkus ay mayaman din ang laman na pumapaloob dito.

 

Sinasabi sa Genesis na sa simula, wala pang hugis o anyo  ang sangkalikhaan.  Sa loob ng tatlong araw, binigyan ito ng porma ng Maylikha. Nilikha niya ang liwanag upang maibukod sa dilim. Hinati rin niya ang tubig nang may itaas at ibaba, at sa pagitan nito ay gumawa ng kalawakan. Ang tubig sa silong ng langit ay tinipon niya sa isang dako at ito ay naging dagat, at sa gayo’y lumitaw naman ang lupa.

 

Matapos hubugin ng Diyos ang mundo, hindi niya ito iniwan na hungkag. Pinuno niya ito ng laman. Ang lupa ay nilagyan ng lahat ng uri ng halaman. Ang langit ay sinabitan ng mga ilaw. Ito ang araw, buwan at mga bituin. Nilagyan niya ng mga isda at sari-saring laman-dagat ang karagatan, at pinailanlang ang iba’t ibang ibon sa kalawakan. Nilikha niya ang lahat ng uri ng hayop na gumagapang sa lupa.

 

Pagkatapos ng lahat ng ito, sinasabing natuwa ang Diyos na pagmasdan ang anyo ng kanyang hinubog na mundo at ang mga nilalang na nilagay niya dito.

 

Sa ganang amin, ang lahat ng pagpupustura at pagpoporma natin ay walang saysay kung ito ay pakitang-tao lamang at walang katotohanan. Mahilig tayo sa mga palabas.  May ‘people power’ ng Korte Suprema, may pang-best actress drama sa airport at kung anu-ano pa.  Kung ang mga palabas natin ay wala namang tunay na substance o saysay, bagkus ay pang madla o pang-press release lamang, hindi ito kalugod-lugod sa Diyos, at hindi rin maging sa mata ng tao. Tayo’y dapat na magsikap na maging makabuluhan at makatotohanan ang ating mga buhay, lalo na sa panibagong taon na ating hinaharap. Tigilan na ang mga pagpopormang walang laman at di makatotohanan. Panahon na ng tunay na reporma sa ating mga buhay at sa ating bansa.

 

-------------------------------------------

 

Ang Sa Ganang Amin ay kalipunan ng mga editoryal ng ISACC. Ginagawa ito sa pakikipagtulungan ng People’s Tonight, DZAS at AP Media. Para sa inyong komentaryo, maaaring mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .

 




Sa Ganang Amin

Delicadeza

Published : Saturday May 19, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 258
By : Maria Fabella Fajardo

“BAKIT ako nag-resign? Para ipakita na buhay pa ang delicadeza ng pulitika sa Pilipinas.” Iyan ang sabi ng resigned senator na si  Juan Miguel Zubiri sa ulat ni Val Balita ng ABS-CBN News nu’ng Abril 27, 2012. Sa darating na Martes, Mayo 22, siguradong tututukan ng buong bansa, at maging... Read more

‘Patawarin kami sa aming mga utang’

Published : Saturday May 12, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 198
By : Melba Padilla Maggay

TAMA ang pakiwari ng ating kultura na ang hindi nagbabayad ng utang ay balasubas. Ngunit paano kung ang utang ay sobra-sobra na ang interes? Paano kung ang isang tao ay sadyang walang-wala at kailangan talagang umutang ngunit alam nating hindi ito mababayaran? Sa Banal na Kasulatan, karamihan ng mga katuruan... Read more

Kailangan ko ng ID

Published : Saturday April 28, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 623
By : Maria Fabella Fajardo

“ANNOUNCEMENT: Pres. Noy2x & Pres. Obama of USA apprvd 150 milion dollar budget for d UNIFIED MULTI SSS ID SYSTEM (666), DZRH reported! Nag start na! Biochips einject sa right hand or forhead ng tao w/c they call lyftime savngs and U.S. nxt is d Phil. Dami ngpatatak accordng to... Read more

Ang Butil ng Bigas ay Butil ng Buhay

Published : Saturday April 21, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 465
By : Maria Fabella Fajardo

AYON sa International Rice Research Institute (IRRI), 300,000 tonelada ng kanin ang nasasayang taun-taon sa konsumo ng Pilipinas. Ito ay umaabot sa 36% ng inangkat na bigas nung nakaraang taon. Dagdag pa sa ulat na ito, ang mga nasa middle-class ang malakas na magsayang ng bigas. Bago natapos ang taong... Read more

Sa Pagtatagpo ng Habag at Katarungan

Published : Saturday April 14, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 553
By : Dr. Melba Padilla Maggay

PAANO paninindigan ang katarungan habang pinaiiral din ang habag? Nitong nakaraang linggo ay inalala natin ang pagkamatay at pagkakapako ni Kristo sa krus. Namalas natin na kahit nuon pa man, ang katarungan ay nababaluktot kapag may mga opisyal na katulad ni Poncio Pilato na naghuhugas na lamang ng kamay at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC