Manigong Bagong Taon


Ayon sa sarbey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS), 95% ng mg Pilipino ang sasalubong sa Bagong Taon ng 2012 nang may pag-asa. Maging ang sinasabing Class E, o ’yung mga pinakamahihirap sa ating lipunan, ay umabot sa pinakamataas na 93% mula nang ginawa ng SWS ang ganitong sarbey.

Sa mga nakikita nating takbo ng pulitika sa ating bansa ngayon, masasabi natin na talagang may malaking pag-asa ang hatid ng taong 2012. Umaasa tayo na magkakaroon ng katarungan ang mga kasong isinampa sa dating Pangulong Arroyo. Umaasa tayo na dahil sa matatag na pamamalakad ng kasalukuyang pamahalaan, madaragdagan ang mga investor sa ating bansa, at sa gayun, magkakaroon ng mga bagong trabaho. Umaasa tayo na sa “tuwid na daan” ng Pangulong Noy ay mababawasan, kundi man tuluyang mawawala, ang kurapsyon sa ating bansa at ang mga perang napupunta sa bulsa ng iilan ay maaari nang mapakinabangan ng nakararami sa ating mga kababayan.

Tunay nga na maraming pag-asa ang hatid ng darating na Bagong Taon. Kaya marapat lamang na ipagdiwang natin ito. Salubungin ang Bagong Taon ng buong sigla, buong saya.

Sa ganang amin, ang umasa sa manigong bagong taon ay hindi dapat nagtatapos sa pangarap ng mabuting bukas. Bagkus, dapat ay may karampatang aksyon ang ating pag-asam sa magandang kapalaran. Ang patuloy nating pagsusumikap para umunlad ang antas ng ating pamumuhay ay dapat pag-ibayuhin. Nahaharap tayo sa bukas na puno ng alinlangan. Ang ekonomiya sa buong mundo ay pabagsak. Ang kalikasan ay nagsusungit at kalamidad ang dala saan man sa mundo. Kaya umaasa man tayo na maayos na pamumuhay ang hatid Bagong Taon, kailangan pa rin ang ibayong pagsisikap.

Maging sa ating kalagayang-pampulitika, ito ang panahon na mas kailangan tayong maging agresibo. Abot-kamay na ang katarungan. Kailangan natin pagsumikapan na maisakatuparan ang hustisya hanggang sa huli. Kailangan hindi na maulit ang “unfinished revolution” nung panahon ng Batas Militar at People Power 1. Kailangan natin maging masinop at aktibo sa mga usaping may kinalaman sa ating magiging kinabukasan bilang isang bansang masagana. Sapagkat “Higit na kalugod-lugod kay Yahweh kaysa mga handog, ang mga gawang makatuwiran at makatarungan.” (Kawikaan 21:3)

Baunin natin sa Bagong Taon ang pangako ng pag-asa ng Panginoon sa Awit 146:6-9

“Ang kanyang pangako ay maaasahan.

Panig sa naaapi, kung siya’s humatol,

may pagkaing handa,

sa nangagugutom.

Pinalaya niya ang mga nabihag;

isinasauli, paningin ng bulag;

lahat ng inapi ay itinataas,

ang mga hinirang niya’y nililingap.

Isinasanggalang ang mga dayuhang

sa lupain nila’y doon tumatahan;

tumulong siya sa balo’t ulila,

ngunit sa masama’y parusa’ng hatid niya.”

Ang Sa Ganang Amin ay kalipunan ng mga edi- toryal ng ISACC. Ginagawa ito sa pakikipagtulungan ng People’s Tonight, DZAS at AP Media. Para sa inyong komentaryo, maaaring mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .



Sa Ganang Amin

Delicadeza

Published : Saturday May 19, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 258
By : Maria Fabella Fajardo

“BAKIT ako nag-resign? Para ipakita na buhay pa ang delicadeza ng pulitika sa Pilipinas.” Iyan ang sabi ng resigned senator na si  Juan Miguel Zubiri sa ulat ni Val Balita ng ABS-CBN News nu’ng Abril 27, 2012. Sa darating na Martes, Mayo 22, siguradong tututukan ng buong bansa, at maging... Read more

‘Patawarin kami sa aming mga utang’

Published : Saturday May 12, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 198
By : Melba Padilla Maggay

TAMA ang pakiwari ng ating kultura na ang hindi nagbabayad ng utang ay balasubas. Ngunit paano kung ang utang ay sobra-sobra na ang interes? Paano kung ang isang tao ay sadyang walang-wala at kailangan talagang umutang ngunit alam nating hindi ito mababayaran? Sa Banal na Kasulatan, karamihan ng mga katuruan... Read more

Kailangan ko ng ID

Published : Saturday April 28, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 623
By : Maria Fabella Fajardo

“ANNOUNCEMENT: Pres. Noy2x & Pres. Obama of USA apprvd 150 milion dollar budget for d UNIFIED MULTI SSS ID SYSTEM (666), DZRH reported! Nag start na! Biochips einject sa right hand or forhead ng tao w/c they call lyftime savngs and U.S. nxt is d Phil. Dami ngpatatak accordng to... Read more

Ang Butil ng Bigas ay Butil ng Buhay

Published : Saturday April 21, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 465
By : Maria Fabella Fajardo

AYON sa International Rice Research Institute (IRRI), 300,000 tonelada ng kanin ang nasasayang taun-taon sa konsumo ng Pilipinas. Ito ay umaabot sa 36% ng inangkat na bigas nung nakaraang taon. Dagdag pa sa ulat na ito, ang mga nasa middle-class ang malakas na magsayang ng bigas. Bago natapos ang taong... Read more

Sa Pagtatagpo ng Habag at Katarungan

Published : Saturday April 14, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 553
By : Dr. Melba Padilla Maggay

PAANO paninindigan ang katarungan habang pinaiiral din ang habag? Nitong nakaraang linggo ay inalala natin ang pagkamatay at pagkakapako ni Kristo sa krus. Namalas natin na kahit nuon pa man, ang katarungan ay nababaluktot kapag may mga opisyal na katulad ni Poncio Pilato na naghuhugas na lamang ng kamay at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC