Pasko na naman

 

“Pasko na naman, O kay tulin ng araw. Paskong nagdaan, tila ba kung kailan lang.” Para sa mga bata, ang “Pasko na naman” ay halos kapareho ng “Araw ko na naman.” Kadalasan, mas mainam pa nga ito kesa sa kaarawan ng mga bata. Dahil kung Pasko, tiyak na bida ang mga bata. Pwede silang manghingi, at mag-request ng kung ano ang gusto nilang pamasko. Hindi ito tinitingnan nang masama. Kaya naman ang mga bata, talagang sinasamantala ang araw na ito. Pagkat ito ang araw na makakatatanggap sila ng sangkaterbang regalo at kung wala naman kusang magbigay sa kanila ay pwede silang mag-carolling at humingi ng hindi pagbabawalan.

 

Para naman sa mga hindi na bata, ang tunog ng “Pasko na naman, O kay tulin ng araw” ay katumbas ng “Gastos na naman, O kay tulin ng araw.” Ito yung panahon na ang pakiramdam ng mga hindi bata ay “Sana, bata na lang ako ulit.” Ito ang panahon na hindi mawari ng mga hindi na bata kung matutuwa ba sila na Pasko na naman o maiinis dahil Pasko na naman. Ito ang panahon na gumagaling ka sa pagkukwenta. Kailangan pagkasyahin ang 13th month pay sa lahat ng bayarin, noche buena, media noche, mga regalo para sa mga mahal sa buhay, sa mga inaanak, anak ng mga inaanak, anak ng mga kaibigan, maging katrabaho at mga kapit-bahay. Ito ang panahon na sana, ang Christmas bonus mo ay maisusubi mo para sa iyong pagtanda, sa halip, ito ay gagastusin mo para iparamdam ang iyong pagpapahalaga sa iyong mga minamahal.

 

Para naman sa mga maykaya sa buhay, ito ang panahon na pamahalan ng mga regalong ipamimigay. Pero pero naman sa mga wala sa buhay, ito ang panahon na makakatikim ng mga putahe at mga prutas na minsan lang sa isang taon matitikman.

 

Ito ang pangkaraniwang senaryo kapag parating na ang araw ng Pasko. 100 days countdown ang ginagawa sa mga programa sa telebisyon at radio. Madalas ay pagpapaalala na magsimula nang mamili ng mga pangregalo para hindi makasabay sa pagsisikip ng trapiko at siksikang pamimili.

 

Madalas, nalilimutan natin ang pinakamagandang mensahe ng awit na “Pasko na naman.” Hindi ito ang pagmamadali na “heto na ang Pasko at magsimula nang mamili ng regalo,” bagkus, ito ay ang kasunod na linya ng awit na “Ngayon ay Pasko, tayo ay magbigayan. Ngayon ay Pasko, tayo ay magmahalan.”

 

Sa ganang amin, kahit na anong pagpapagod ang gawin natin sa pamimili at paghahanda, ubusin man natin ang ating 13th month at 14th month pay, isama pa ang Christmas bonus at year-end bonus, hindi natin mapapantayan ang pinakamahal na regalo na ipinagkaloob sa atin sa araw ng Kapaskuhan—ito ang sanggol na si Jesus, na sa takdang panahon ay ang naging manunubos ng lahat ng ating pagkakasala.

 

Sa pagsalubong natin sa Pasko, alalahanin natin na ito ang araw na mas makakabuti kung hindi natin papagurin ang ating mga sarili sa pamimili at paghahanda, sa halip, gamitin natin ang panahon na ito upang manahimik at damhin ang sinasabing Immanuel, “Ang Diyos ay sumaatin.” Sa gayun, sa susunod na “Pasko na naman” ay mae-excite na tayo na salubungin muli ang pagdating ng Diyos sa ating buhay. Kaya, magiging tunay na maligaya ang ating pagdiriwang ng Pasko.

 

-------------------------------------------------------------

 

Ang editoryal na ito ay mula sa panulat ni Maria Fabella Fajardo para sa Sa Ganang Amin. Ang Sa Ganang Amin ay kalipunan ng mga editorial ng ISACC. Ginagawa ito sa pakikipagtulungan ng People’s Tonight, DZAS at AP Media. Para sa inyong komento, maaaring mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .

 



Sa Ganang Amin

Delicadeza

Published : Saturday May 19, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 258
By : Maria Fabella Fajardo

“BAKIT ako nag-resign? Para ipakita na buhay pa ang delicadeza ng pulitika sa Pilipinas.” Iyan ang sabi ng resigned senator na si  Juan Miguel Zubiri sa ulat ni Val Balita ng ABS-CBN News nu’ng Abril 27, 2012. Sa darating na Martes, Mayo 22, siguradong tututukan ng buong bansa, at maging... Read more

‘Patawarin kami sa aming mga utang’

Published : Saturday May 12, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 198
By : Melba Padilla Maggay

TAMA ang pakiwari ng ating kultura na ang hindi nagbabayad ng utang ay balasubas. Ngunit paano kung ang utang ay sobra-sobra na ang interes? Paano kung ang isang tao ay sadyang walang-wala at kailangan talagang umutang ngunit alam nating hindi ito mababayaran? Sa Banal na Kasulatan, karamihan ng mga katuruan... Read more

Kailangan ko ng ID

Published : Saturday April 28, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 623
By : Maria Fabella Fajardo

“ANNOUNCEMENT: Pres. Noy2x & Pres. Obama of USA apprvd 150 milion dollar budget for d UNIFIED MULTI SSS ID SYSTEM (666), DZRH reported! Nag start na! Biochips einject sa right hand or forhead ng tao w/c they call lyftime savngs and U.S. nxt is d Phil. Dami ngpatatak accordng to... Read more

Ang Butil ng Bigas ay Butil ng Buhay

Published : Saturday April 21, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 465
By : Maria Fabella Fajardo

AYON sa International Rice Research Institute (IRRI), 300,000 tonelada ng kanin ang nasasayang taun-taon sa konsumo ng Pilipinas. Ito ay umaabot sa 36% ng inangkat na bigas nung nakaraang taon. Dagdag pa sa ulat na ito, ang mga nasa middle-class ang malakas na magsayang ng bigas. Bago natapos ang taong... Read more

Sa Pagtatagpo ng Habag at Katarungan

Published : Saturday April 14, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 553
By : Dr. Melba Padilla Maggay

PAANO paninindigan ang katarungan habang pinaiiral din ang habag? Nitong nakaraang linggo ay inalala natin ang pagkamatay at pagkakapako ni Kristo sa krus. Namalas natin na kahit nuon pa man, ang katarungan ay nababaluktot kapag may mga opisyal na katulad ni Poncio Pilato na naghuhugas na lamang ng kamay at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC