Pag Sinabi Niya

 

“Puro salita lang ‘yan.” ‘Yan ang sinasabi natin sa mga tao o proyekto na sa palagay natin ay walang patutunguhan. Wala tayong bilib sa mga taong ang pangako ay napapako. Hindi rin tayo mahikayat sa mga gawaing di natin sigurado kung sadyang magagawa. Sa mga organisasyon at sa ating gobyerno, madalas maraming plano, lalo na sa simula ng taon. Kaya lang, wala tayong katiyakan kung maisasagawa nga ba ang mga sinabing gagawin.

 

Hindi ganito ang salita ng Diyos. Mapapansin sa ulat ng Genesis na ang kanyang salita ay makapangyarihan. Pag sinabi niya, sadyang nagagawa.

 

Sa simula, mayroon lamang tubig at dilim. Nang inumpisahan ng Diyos ang paglikha sa ating daigdig, ang ginamit lamang niya ay salita. Sa gitna ng kadiliman, sinabi lang niya, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga.

 

Ganito rin ang nangyari sa bawat yugto ng kanyang paglikha. Pansinin na ang pattern ay ‘ Sinabi ng Diyos....At Nangyari ito.’

 

Sinabi niyang magkaroon ng kalawakan na hahati sa tubig, at ito nga ay nahati na may bahaging itaas at ibaba. Tinawag niyang Langit ang kalawakang pumapagitna dito. Sinabi niyang magtipon-tipon ang tubig sa silong ng langit upang lumitaw ang lupa, at gayon nga ang nangyari. Tinawag niyang Daigdig ang lupa, at Karagatan naman ang itinawag sa nagsama-samang tubig. Sinabi niyang magkaroon sa lupa ng lahat ng halamang namumunga at nagbubutil, at tumubo nga sa lupa ang gayong mga halaman. Sinabi niyang magkaroon ng mga tanglaw sa langit, upang mabukod ang araw sa gabi. At nangyari nga na nalikha ang Araw upang tumanglaw sa maghapon, at ang Buwan at mga bituin para sa gabi. Sinabi niyang magkaroon ng laman ang tubig at himpapawid, at nalikha ang mga dambuhala at sari-saring isda sa dagat, gayundin ang lahat ng uri ng ibon. Sinabi niyang magkaroon ng lahat ng hayop sa lupa – maaamo, maiilap, malalaki at maliliit. At gayun nga ang nangyari.

 

Sa ganang amin, ang Salita ng Diyos ay hindi hiwalay sa kanyang gawa. Matutupad at magagawa ang lahat ng bagay pag sinabi niya. Kaya sa bagong taon na ating haharapin, maaari nating panghawakan ang bawat salita ng Diyos para sa atin, sa ating pamilya, sa ating simbahan, at maging sa ating bayan.

 

---------------------------------------------------------------------------

 

Ang editoryal na ito ay mula sa panulat ni Melba Padilla Maggay, Ph.D. para sa Sa Ganang Amin. Ang Sa Ganang Amin ay kalipunan ng mga editoryal ng ISACC. Ginagawa ito sa pakikipagtulungan ng People’s Tonight, DZAS at AP Media. Para sa inyong komentaryo, maaaring mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .

 




Sa Ganang Amin

Delicadeza

Published : Saturday May 19, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 258
By : Maria Fabella Fajardo

“BAKIT ako nag-resign? Para ipakita na buhay pa ang delicadeza ng pulitika sa Pilipinas.” Iyan ang sabi ng resigned senator na si  Juan Miguel Zubiri sa ulat ni Val Balita ng ABS-CBN News nu’ng Abril 27, 2012. Sa darating na Martes, Mayo 22, siguradong tututukan ng buong bansa, at maging... Read more

‘Patawarin kami sa aming mga utang’

Published : Saturday May 12, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 198
By : Melba Padilla Maggay

TAMA ang pakiwari ng ating kultura na ang hindi nagbabayad ng utang ay balasubas. Ngunit paano kung ang utang ay sobra-sobra na ang interes? Paano kung ang isang tao ay sadyang walang-wala at kailangan talagang umutang ngunit alam nating hindi ito mababayaran? Sa Banal na Kasulatan, karamihan ng mga katuruan... Read more

Kailangan ko ng ID

Published : Saturday April 28, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 623
By : Maria Fabella Fajardo

“ANNOUNCEMENT: Pres. Noy2x & Pres. Obama of USA apprvd 150 milion dollar budget for d UNIFIED MULTI SSS ID SYSTEM (666), DZRH reported! Nag start na! Biochips einject sa right hand or forhead ng tao w/c they call lyftime savngs and U.S. nxt is d Phil. Dami ngpatatak accordng to... Read more

Ang Butil ng Bigas ay Butil ng Buhay

Published : Saturday April 21, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 465
By : Maria Fabella Fajardo

AYON sa International Rice Research Institute (IRRI), 300,000 tonelada ng kanin ang nasasayang taun-taon sa konsumo ng Pilipinas. Ito ay umaabot sa 36% ng inangkat na bigas nung nakaraang taon. Dagdag pa sa ulat na ito, ang mga nasa middle-class ang malakas na magsayang ng bigas. Bago natapos ang taong... Read more

Sa Pagtatagpo ng Habag at Katarungan

Published : Saturday April 14, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 553
By : Dr. Melba Padilla Maggay

PAANO paninindigan ang katarungan habang pinaiiral din ang habag? Nitong nakaraang linggo ay inalala natin ang pagkamatay at pagkakapako ni Kristo sa krus. Namalas natin na kahit nuon pa man, ang katarungan ay nababaluktot kapag may mga opisyal na katulad ni Poncio Pilato na naghuhugas na lamang ng kamay at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC