Noong ika-4 ng Agosto 2011 ginulat ni P-Noy ang bayan nang nakipag-kita siya sa pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na si Murad Ebrahim. Ang pagta-tagpo ay makasay-sayang naganap sa isang hotel sa Tokyo, Japan. Marami ang nag-bunyi sa kababa-ang loob ni P-Noy at nagsabing tunay nga ang hangarin ng pamahalaan na tuldukan na ang kaguluhan sa Mindanao.
Ngunit madami din ang hindi nasiyahan. Ang sabi nila para bagang mistulang paghaharap ng dalawang pinuno ng “malayang bansa” ang bumulaga sa taong-bayan ng makita ang mga diaryong lumabas kinabukasan. Parehong naka-amerikana si Murad at P-Noy habang nagka-kamay. Hindi raw dapat ganito ang pinakita ng Pangulo ng pamahalaan ng Pilipinas sa isang rebeldeng grupo na nagpahirap din sa libu-libong mamamayan sa Mindanao.
Kaya nga ba naglakas loob ang mga pinuno ng MILF upang sambitin ang mga katagang “sub-state” o “secession”! Para bagang “blackmail” ang naturan ni Michael Mastura na kapag hindi pumayag ang gobyerno ni P-Noy sa kanilang panukala babalik na lamang sila sa na-una nilang pinagla-labang kalayaan para sa “Bangsamoro Homeland.”
Naturalmente, maraming Kristiyano ang nagalit. Kaya nga “peace talks” ang katagang gina-gamit ay sa kadahilanang mag-uusap ng malaya ang dalawang grupo, at sa bandang huli magka-sundo sa mithiing katahimikan sa Mindanao. Sino nga ba ang may gusto ng gulo? Maraming buhay na din ang nalagas sa halos mahigit apat ng dekadang giyera sa magka-bilang panig. Kapwa Pilipino nag-uubusan ng lahi! Kaya marami ang nani-niwalang tapos na ang panahon ng paghahamok, at dapat namang pagbigyan na ang pag-uusap ng matiwasay.
Katahimikan ang dahilan sa pagpapakumbaba ni P-Noy kay Murad sa Tokyo. Alam niya na kailangan nang tapusin ang walang-saysay na patayan. Panahon na upang ibaba ang mga armas at mag-usap, mag-tiwala sa isa’t isa na may pag-asang abot tanaw na ang kapayapa-ang matagal na ring inasam ng ating mga kaba-bayan sa Mindanao.
Huwag naman sanang sayangin ang magandang simulain at pakita ng administrasyung P-Noy. Sana nama’y bigyan ng dalawang grupo ang pagka-kataong mabigyan na ng kalutasan ang mga sigalot na nag-hiwalay sa rebeldeng Muslim sa ating legal na pamayanan.
Tingnan natin ng maigi kung ano nga ba itong “sub-state” na kanilang panukala. Wala kasing eksaktong kasing-tulad na sistema ito sa buong mundo. Kahit ang Scotland, Northern Ireland o Hongkong ay hindi masa-sabing “sub-state” na tunay na hiwalay sa kanilang “central government”.
Alam natin ang nangyari sa “MOA-AD” na ibinasura ng Korte Suprema sa kadahilananag ito ay labag sa ating saligang-batas. Hindi maaaring i-hiwalay sa teritoryo ng Pilipinas ang “sub-state” na Bangsamoro. Ang kagustuhan ni Michael Mastura ay possible lamang marahil kung ating babaguhin ang ating Konstitusyun. Ganun pa man mahirap ding tanggapin ito ng karamihan sa ating mga kababayan kung walang mahusay at katanggap-tangap na paliwanag.
Ang “Autonomous Region of Muslim Mindanao” (ARMM) ay maaring hindi nag-tagumpay sa nais na “autonomy” na hangad ng ating mga kapatid na Muslim. Maari din namang bigo ang eksperimentong ito. Kaya ito na ang pagkakataon na pag-uasapan ng maayos gamit ang ating katwiran at malawak na pang-unawa na humubog ng isang kaayusan sa Mindanao na katanggap-tanggap sa lahat ng panig -Muslim man o Kristiyano.
Tapos na ang takutan o blackmail, dapat nang mag-usap ng matiwasay at bigyan ng pagkaka-taong umiral ang katahimikan sa buong Mindanao!
--------------------------
Ang Sa Ganang Amin ay editoryal mula sa Institute for Studies in Asian Church and Culture (ISACC). Mapapakinggan din ito tuwing Miyerkules, 9:00 n.u. sa radyo, ipihit lang sa 702 DZAS-AM. Para sa inyong mga komento mag-email lang sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o mag-text sa 0922-8110045 (SGA_Comment_Pangalan).
Published : Saturday May 19, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 216
By : Maria Fabella Fajardo
“BAKIT ako nag-resign? Para ipakita na buhay pa ang delicadeza ng pulitika sa Pilipinas.” Iyan ang sabi ng resigned senator na si Juan Miguel Zubiri sa ulat ni Val Balita ng ABS-CBN News nu’ng Abril 27, 2012. Sa darating na Martes, Mayo 22, siguradong tututukan ng buong bansa, at maging... Read more
Published : Saturday May 12, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 191
By : Melba Padilla Maggay
TAMA ang pakiwari ng ating kultura na ang hindi nagbabayad ng utang ay balasubas. Ngunit paano kung ang utang ay sobra-sobra na ang interes? Paano kung ang isang tao ay sadyang walang-wala at kailangan talagang umutang ngunit alam nating hindi ito mababayaran? Sa Banal na Kasulatan, karamihan ng mga katuruan... Read more
Published : Saturday April 28, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 613
By : Maria Fabella Fajardo
“ANNOUNCEMENT: Pres. Noy2x & Pres. Obama of USA apprvd 150 milion dollar budget for d UNIFIED MULTI SSS ID SYSTEM (666), DZRH reported! Nag start na! Biochips einject sa right hand or forhead ng tao w/c they call lyftime savngs and U.S. nxt is d Phil. Dami ngpatatak accordng to... Read more
Published : Saturday April 21, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 456
By : Maria Fabella Fajardo
AYON sa International Rice Research Institute (IRRI), 300,000 tonelada ng kanin ang nasasayang taun-taon sa konsumo ng Pilipinas. Ito ay umaabot sa 36% ng inangkat na bigas nung nakaraang taon. Dagdag pa sa ulat na ito, ang mga nasa middle-class ang malakas na magsayang ng bigas. Bago natapos ang taong... Read more
Published : Saturday April 14, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 546
By : Dr. Melba Padilla Maggay
PAANO paninindigan ang katarungan habang pinaiiral din ang habag? Nitong nakaraang linggo ay inalala natin ang pagkamatay at pagkakapako ni Kristo sa krus. Namalas natin na kahit nuon pa man, ang katarungan ay nababaluktot kapag may mga opisyal na katulad ni Poncio Pilato na naghuhugas na lamang ng kamay at... Read more