5,995 guests

Robin, kapiling na si Mariel at baby

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 594

HINDI makakalimutan ni Robin Padilla ang mahahalagang okasyon na nangyari sa kanya nang November last year.

Una ang pagsilang ng kanilang unang baby ng (second) wife niyang si Mariel Rodriquez (after two miscarriages) na si Baby Maria Isabella last November 14 sa Amerika, ang pagbibigay sa kanya ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte noongNovember 15, one day matapos isilang si Baby Isabella at ang kanyang ika-47th birthday noong November 23.

Nasakripisyo man ang hindi pagbibigay kay Robin ng US visa para mapuntahan niya ang kanyang mag-ina sa Amerika, ipinagpapasalamat pa rin niya na maayos nakabalik ng Pilipinas sina Mariel at Baby Isabella.

MARK ANTHONY ’DI PA ALAM ANG KAPALARAN

TATLONG buwan na halos na nakakulong sa Pampanga Provincial Jail ang actor na si Mark Anthony Fernandez na nahuling may isang kilo ng marijuana sa kanyang sasakyan noong October 2016.
   
Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Mark kung ano ang naghihintay sa kanya pero patuloy siyang nagdarasal na sana’y makalaya siya balang araw.
   
Isa si Mark sa halos 2,000 inmates na nagsisiksikan sa Pampanga Provincial Jail.
   
Si Mark ay hiwalay na sa kanyang asawang si Melissa kung kanino siya may dalawang anak na lalaki na ang panganay ay si Grae (15) na isa sa talents ng Star Magic.  May isa pang anak si Mark (sa ibang babae), si Chelsea Denise.

RAMONA SA ’PINAS NAGPASKO

SA Pilipinas nagpalipas ng Christmas holidays ang dating sexy star na si Ramona Revilla kasama ang kanyang American engineer-husband na si Frederick Farrell at ang kanilang girl triplets na tatlong taong gulang na sina Fersiana, Fredeir at Freohsyl.
   
Si Ramona ay isang Filipina-Persian at ang tunay niyang pangalan ay Mohsyl Ensafian.
   
Sa San Diego, California (kung saan sila unang nagkakilala ng kanyang mister na si Fred) na naka-base si Ramona and her family pero once or twice a year ay umuuwi sila ng Pilipinas para magbakasyon.
   
Aminado si Ramona na pareho silang hands-on ng kanyang husband na si Fred sa kanilang triplets.
   
Mahal na mahal si Ramona at ang triplets ng family ni Fred na naka-base sa New York, USA.

ALEX MAY UTANG NA LOOB KAY PIOLO

KUNG dati-rati’y tahimik si Alex Gonzaga pagdating sa kanyang love life, ngayon ay open na siyang ipakilala ang kanyang nobyong si Mikee Morada na kaibigan ni Piolo Pascual.
   
Si Mikee mismo ang nag-request sa kaibigang si PJ (Piolo) na ipakilala siya sa kanyang crush na si Alex. Pero binibitin-bitin umano siya ng Kapamilya actor hanggang isang beses habang nasa ASAP sina PJ at Alex ay tinatawagan niya si Mikee at ipinakausap sa kanya ang dalaga.  Aware din si Alex na crush siya ng kaibigan ni PJ dahil sinabi ito sa kanya ng actor.
   
Thankful pareho sina Alex at Mikee sa kanilang common friend na si Piolo dahil ito ang naging daan ng kanilang pagkakakilala.
   
Kung matatandaan pa, si Piolo ay na-link din noon sa nakatatandang kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga na misis na ngayon ng director-producer na si Paul Soriano at may anak na ang dalawa, si Seve.
   
At 28 turning 29 on January 16,  Alex thinks na kailangan na rin niyang magkaroon ng sarili niyang inspirasyon.
   
Ang maganda pa, botong-boto kay Mikee ang pamilya ni Alex at ganundin naman ang pamilya ni Mikee kay Alex.

KUYA GERMS NAKALIMUTAN NA?

NAKALULUNGKOT isipin na ilan lamang sa malalapit sa yumaong star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno ang nakaalala sa unang anibersaryo ng kanyang kamatayan last January 8.
   
Napakaraming natulungan ni Kuya Germs nung ito’y nabubuhay pa pero unti-unti na siyang kinakalimutan ng marami sa kanila.
   
Tingnan na lamang natin kung siya’y maaalaala ng mga ito sa kanyang kaarawan on October 4.

ANGELINE SOLIDONG DEBOTO NG NAZARENO

ANGELINE Quinto admits na priority pa rin niya ang kanyang singing career kung saan siya unang nakilala. Pero nagpapasalamat siya at nabibigyan din siya ng chance na umarte.
   
Sa nakaraang traslasyon ng Mahal na Nazareno sa Quiapo, isa si Angeline sa sumuong sa dagat ng napakaraming tao para lamang makalapit at makasampa sa karosa ng Mahal na Nazareno.
   
Unknown to many, sampung taong gulang pa lamang si Angeline ay isa na siyang deboto ng itim na Nazareno na ipinagpapatuloy niya hanggang ngayon tulad nina Kabayan Noli de Castro at Coco Martin.
   
Si Angeline ay may bagong movie ngayon sa Regal Films, ang rom-com na “Foolish Love” na pinagtatambalan nila ni Jake Cuenca kasama ang magkasintahang Tommy Esguerra at Miho Nishida na dinirek ni Joel Lamangan.
   
“After the movie ay magiging busy po ako sa iba’t ibang singing commitments here and abroad,” aniya.