4,848 guests

3 pagyanig naitala ng Phivolcs

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Provincial
  • Read: 180

TATLONG malalakas na pag-uga ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.

Alas-2:37 ng madaling araw kahapon ay nakapagtala ang Phivolcs ng 4.4 magnitude na lindol sa 107 kilometro ng timog silangan ng Sarangani at Davao Occidental.
   
Ang lalim sa lupa ay 15 km at tectonic ang pinagmulan ng lindol.
   
Alas-6:59 ng umaga kahapon ay nakapagtala naman ang Phivolcs ng  3.5 magnitude  na lindol na ang sentro ay namataang 25 kilometro ng hilagang silangan ng General Luna at Surigao del Norte na ang lalim ng lupa ay 11 km at tectonic din ang ugat ng pagyanig.
   
Aals-12:13 ng tanghali ay nakapagtala ang Phivolcs ng 2.5 magnitude na lindol dalawang kilometro ng hilagang silangan ng Taft, Eastern Samar at ang lalim ng lupa ay 38 km at tectonic din ang ugat ng lindol.
   
Wala namang naiulat na damage sa mga tao at mga ari-arian ang magkakasunod na pagyanig at wala ding inaasahang aftershock.