7,671 guests

Inigo, ala-Justin Bieber ang style

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 506

TANGGAP na pala ng former couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera bilang kanilang future na mamanugangin si Zia Quizon, who is, of course, the only daughter ni ZsaZsa Padilla sa kanyang late top comedian-lover na si Dolphy.   Kunsabagay, open book na ang kasalukuyang relasyong namamagitan between Zia and Pops and Martin’s panganay na si Robin (Nievera), who turned 30 recently. 

Ang tanong: Sino kaya kina Zia at ZsaZsa ang unang ikakasal?
   
It’s, likewise, an open book na nagkabalikan na sina Zsa Zsa and her architect-boyfriend, si Conrad Onglao.

Balitang nag-propose na rin sa ina ni Zia si Architect Onglao.

* * *

MADALAS mapanood doing concerts together sina Martin at Zsa Zsa both in the country and abroad.
   
To date, Martin remains the country’s Concert King; ZsaZsa naman is the Divine Diva.
   
Pops remains as well the local music scene’s Concert Queen.
   
All of them still appear regularly in ABS-CBN’s Sunday noontime musical show ASAP Live.

* * *

One happy father din si Piolo Pascual for son Inigo  whose debut album, which has for its carrier single Dahil Sa ’Yo, which Inigo composed, is currently selling in record bars like hotcakes.
   
Pero ayon mismo kay Piolo, as singer, magkaiba ang specialty, kumbaga, nilang mag-ama. While he is into love songs, Inigo is at his best when doing songs that are bouncy, the type na associated with young international singer Justin Bieber.
   
Unlike his dad who is finishing a movie, Once In A Lifetime with Yen Santos, Inigo would want to focus his attention on his singing career muna.
   
At 19, he has all the time to really prepare himself for a full-time film career.

* * *

From a reliable source, we heard na ’di pa lubusang magaling ang komedyanteng si Matutina, isa sa dating paboritong ‘kabatuhan’ ng late comedian na si Dolphy, either sa kanyang mga tv show o pelikula.
   
Isa sa mga tinutulungan ng foundation na Damay-Kamay na pinamumunuan nina Vivian Velez, Arlene Muhlach at Nadia Montenegro si Matutina.