4,793 guests

Vic sa MMFF selection committee: Respeto sa mga bata

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 257
Vic Sotto Vic Sotto

AFTER days of speculations, tuluy na tuloy na sa darating na  November 30 (Wednesday) ang showing ng pre-Christmas offering ng OctoArts Films, M-Zet Productions and APT Entertainment ang isa sa pinakamalaking offering ng taon, ang “Enteng Kabisote 10 & The Abangers” na pinagbibidahan ng `hari ng masa,’ ang  box office star at veteran TV host-comedian-producer na si Vic `Bossing’ Sotto.

Sa grand presscon ng “Enteng Kabisote 10 & the Abangers” na ginanap sa Annabel’s Restaurant in Quezon City nung Huwebes ng hapon, inilabas ni Bossing (Vic) ang kanyang saloobin sa hindi pagkakapasok ng kanyang pelikula sa taunang Metro Manila Film Festival.

“Magsisinungaling ako kung hindi ko aaminin na na-disappoint ako,” panimula niya.

“Pero hindi para sa aking sarili kundi para  sa mga bata at mga pamilya na taun-taon ay nag-aabang sa mga pelikulang magbibigay sa kanila ng kasiyahan,” dugtong pa ni Bossing.

“While I respect the decision of the selection committee (ng MMFF), sana nirespeto rin nila ang gusto ng publiko na siyang sumusuporta taun-taon sa mga pelikula ng MMFF.  Hindi `yung hahainan sila (public) ng pagkain na hindi nila gusto,” seryosong pahayag ng poste ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga”.

“Ganunpaman, since final and unanimous na ang desisyon (ng MMFF selection committee), we’re proud to announce sa lahat na magiging maagang Pamaskong handog ang “Enteng Kabisote….” sa darating na November 30.  Magkita-kita po tayong lahat sa mga sinehan nationwide lalupa’t holiday at walang pasok ang araw na ‘yon.”
   
Ang movie screening sa November 30 ay magsisimula ng alas-8 ng umaga.
   
Sinabi ni Bossing na na-inspire siya ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr. sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga bata at pamilya sa pamamagitan ng “Panday” movie franchise nito.
   
“Araw-araw mula Lunes hanggang Sabado ay napapanood na nila ako sa ‘Eat Bulaga’ kaya once a year lang ako kung gumawa ng pelikula at itinataon ko sa MMFF dahil gusto kong magpasaya ng mga bata.  Unfortunately, hindi pinalad ang pelikula na makapasok sa MMFF.  Pero Pasko man o hindi, mapapanood pa rin nila ang ‘Enteng Kabisote 10...’,” diin niya.
   
Positibo pa rin ang nangyari dahil mas magkakaroon na siya ng panahon sa kanyang misis na si Pauleen Luna-Sotto at sa kanyang mga anak, mga apo at iba pang kaanak sa araw ng Pasko.
   
Sa Pilipinas lamang daw sila magpapalipas ng Pasko at Bagong Taon lalupa’t on New Year’s day (Jan. 1) ay ikakasal ang kanyang bunsong anak na si Paulina Sotto (kay Angela Luz) sa fiancé nitong si Jed Llanes.

‘ENTENG’ CAST, MAKIKIHALUBILO SA FANS

NALUNGKOT din ang tatlong `Lolas’ na sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) sa hindi pagkakasali ng pelikulang “Enteng Kabisote 10 & the Abangers” sa taunang Metro Manila Film Festival.
   
“Tulad ni Bossing (Vic), nalungkot din kami para sa mga bata na siyang target audience ng movie,” pahayag ni Jose Manalo.
   
“Ang mga bata kasi, parang tradisyon na nila taun-taon ang pagpunta sa mga sinehan sa araw ng Pasko karay-karay ang kanilang mga nanay at tatay, lolo’t lola pati mga yaya.  This time, hindi na ganun,” ayon kay Jose.
   
Gayunman, may pagkakataon na makita at makahalubilo nang  personal ang bumubuo ng cast ng “Enteng Kabisote 10 & the Abangers” sa araw na ito ng Sabado, November 26 sa Trinoma sa ganap na alas-3 ng hapon at sa Glorietta pagdating ng alas-6 ng gabi. Alas-tres naman ng hapon sa Linggo (November 27) ay dadayo ang tropa ni Vic Sotto sa  SM Megamall at sa Martes ng hapon, November 29, alas 3 din ng hapon sa SM North EDSA.  Nakatakda ring mag-ikot sa mga sinehan ng Metro Manila sina Bossing sa opening day  mismo ng pelikula on November 30 (Wednesday) pagkatapos ng “Eat Bulaga”.
   
Talagang mapapaaga ang Pasko sa bumubuo ng cast ng “Enteng Kabisote 10”.

BEA AT RYZA, ’DI NATUPAD ANG PANGARAP

IBA naman ang dahilan ng panghihinayang nina Bea Binene at Ryza Cenon na kasama rin sa Enteng movie. Anila, hindi sila makasasakay sa float para sa Parada ng mga Artista.
   
“First MMFF movie sana namin ,” may panghihinayang na  pahayag ni Bea.
   
“Just the  same. It was a great opportunity working with Bossing Vic at nagpapasalamat po ako na nakasama ako sa movie niya,” ani Bea na tila in love na naman ngayon.

VIC AND PAULEEN TO CELEBRATE FIRST WEDDING ANNIVERSARY

MAGSI-CELEBRATE ng kanilang first wedding anniversary on January 30, 2017 ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto pero ayaw pa nilang i-share kung ano ang kanilang plano sa kanilang wedding anniversary.
   
Sa ngayon kasi ay nakatuon muna  ang kanilang pansin sa nalalapit na kasal ng bunso ni Bossing na si Paulina Sotto sa fiancé nitong si Jed Llanes on January 1, 2017.
   
Kapag nag-asawa na si Paulina, si Vico na lamang ang mananatiling single sa apat na anak ni Bossing. Pare-pareho na ring may pamilya sina Danica at Oyo, ang dalawang anak ng TV host-comedian-producer sa ex-wife niyang si Dina Bonnevie.  
   
Si Vico ay anak ni Bossing sa veteran actress na si Coney Reyes.  Si Vico rin ang kaisa-isang anak ni Bossing na pumasok sa pulitika nang ito’y pumasok sa pagiging konsehal sa unang distrito ng Pasig.
   
“Ako naman, kung saan dadalhin ng kapalaran ang mga anak ko at masaya sila sa kanilang pinasok, doon din ako para sa kanila,” ani Bossing.
   
Magkakaiba man ang ina ng kanyang apat na anak, Bossing made sure na magkaka-close ang kanyang mga anak and he remains to be an ideal dad to all  his children.
   
Sa darating na Pasko, Bossing expects his children and their respective families to spend Christmas with him and wife Pauleen.
   
“Tradisyon na namin ang magsama-sama tuwing araw ng Pasko at Bagong Taon,” ani Bossing.