5,892 guests

OFW tinarakan sa inuman

  • Written by Mamer Bañez
  • Published in Provincial
  • Read: 194

BALER, Aurora -- Isang masayang inuman ang nauwi sa kalungkutan matapos patayin ang isang OFW ng kanyang kapitbahay sa Purok 3, Bgy. Calabuanan, dito, kahapon ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Bentex Camara, na nagtamo ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at idineklarang dead on arrival sa Premier Hospital. Ang suspek na si Efren Tena 40, ay sumuko makaraan ang insidente.
   
Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang tropa ni Camara kasama sina Jojo Illises at Roderic Torres nang dumating ang kapitbahay niyang si Tena.
   
Ang inuman ay nagsimula ng umaga hanggang bandang hapon nang biglang nagkaroon ng mai-nitang pagtatalo sa pagitan nina Camara at Tena na nauwi sa pananaksak.
   
Nagawa pa umano ng suspek na tumakas subalit ilang oras lang ay sumuko din sa Baler Police Station.
   
Ang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa Baler jail habang inihahanda ang kasong homicide laban sa kanya.