5,513 guests

Miss U sa ’Pinas, tuluy na tuloy na

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 511

NOW it can be told!

Totoong nagmuntik-muntikanang  hindi matuloy ang pagsasagawa ng Miss Universe pageant sa Pilipinas sa darating na January 30, 2017 sa maraming kadahilanan despite na fully-paid na ang Miss Universe Organization (MUO) ng $12-M at pirmado na rin  ang kontrata sa magkabilang panig. 

Apat na beses nakansela ang mounting ng 2016 Miss Universe sa Pilipinas pero hindi dahil kontra ang ilang sector na matuloy ang nasabing pageant sa bansa kundi more sa parte ng MUO.  May mga kilalang international na personalidad ang nag-intervene kaya tuloy na ang pagsasagawa ng pinakamalaking international beauty pageant sa buong mundo  na gaganapin sa SM MOA Arena on January 30, 2017 alas 5 ng umaga in time sa time airing nito sa Amerika sa gabi ng January 29.
   
Dahil sa naging problema  (sa side ng MUO), hindi formal na makapag-announce earlier ang Department of Tourism na pinamumunuan ni Sec. Wanda Teo.
   
Although, alam na may ideya kami sa mga totoong dahilan, hindi na namin ito kailangan pang i-detalye  dahil baka makasira pa sa halip na makatulong.  Ang mahalaga ay na-iron out na ang lahat ng problema  at tuluy na tuloy na ang pagsasagawa ng Miss Universe sa Pilipinas sa ikatlong pagkakataon kung saan walang gagastusin ang gobyerno.
   
Ang American TV host-comedian na si Steve Harvey pa rin ang maghu-host ng Miss Universe pageant 2016 sa Pilipinas sa kabila ng pag-ayaw ni Pangulong Rodrigo `Digong’ Duterte sa kanya.
   
Ire-request din ni Sec. Wanda Teo ng DOT kung puwedeng magkaroon ng Filipino co-host si Steve Harvey pero hindi sigurado kung papayag ang Miss Universe Organization.

THE FIRST MISS UNIVERSE AND HER FILIPINO HUSBAND

ALAM ba ninyo na ang Miss Universe ay unang ginamit in 1926 ng International Pageant of Pulchritude?
   
Ang kauna-unahang Miss Universe ay ginanap sa Long Beach, California noong June 28, 1952 kung saan ang unang  napiling Miss Universe ay ang kinatawan ng Finland na si Armi Kuusela na 17 gulang  lamang noon.  Pero hindi nito tinapos ang kanyang termino dahil ito’y na-in love at  nag-asawa sa Filipino businessman na si Virgilio Hilario na kanyang nakilala sa Baguio City para sa International Trade Exposition na dinaluhan ni Armi bilang kinatawan ng Miss Universe.
   
Ang whirlwind courtship sa pagitan ni G. Hilario at Armi na nagsimula noong una silang magkakilala noong February 23, 1953 ay nauwi sa kanilang pagpapakasal sa Tokyo, Japan on May 4, 1953 bago pa man natapos ang  termino ni Kuusela bilang Miss Universe.  Ang mag-asawa ay nag-honeymoon sa iba’t ibang island ng Hawaii   at nag-ikot ng Amerika at Europe bago sila finally nag-settle sa Pilipinas.  Nagkaroon sila ng limang anak  - sina  Anne na may asawa at tatlong anak at nakatira sa Chile, si Ana-Lisa de Gari, may asawa at dalawang anak na nakatira sa Spain, si Jussi, may asawa at nakatira sa Canada, si Eva-Maria Hess, may asawa at dalawang anak na naka-base sa US habang ang bunso ang kaisa-isang anak na lalaki na si Mikko Hilario ay sa Pilipinas nakatira.
   
Nang sumakabilang buhay si  G. Hilario sa sakit sa puso noong September 5, 1975, muling nag-asawa si Armi ng isang American diplomat na si Albert Williams noong June 8, 1978.  Nagpalipat-lipat din sila ng lugar mula sa Barcelona, Span, sa Ismir, Turkey and eventually sa La Jolla, isang community sa San Diego, California, USA.
   
Noong 2012, si Armi ay tumanggap ng award mula sa kanyang bansa sa Finland, ang Order of the White Rose of Finland.  Dumalaw din siya sa kanyang hometown sa Muhos, Finland in August of 2014.
   
Sa edad na 82, aktibo pa rin si Armi sa kanilang komunidad at nagpa-participate pa rin siya sa iba’t ibang charities at kasama na rito ang kanyang involvement in cancer research sa Sanford-Burnham Medical Research Institute.

MISS UNIVERSE HISTORY

ANG dating Miss Universe, Inc. was founded  by California-based company na Pacific Knitting Mills in 1952 na siyang manufacturer ng kilalang Catalina swimwear sa Amerika.
   
Bago pa man nabuo ang Miss Universe ay consistent na isa sa mga sponsor  ang Catalina swimwear sa Miss America beauty pageant.  Pero noong 1951, tumanggi ang winner ng Miss America na si Yolande Betbeze na isuot ang Catalina swimwear at mag-pose for publicity purposes kaya nag-pull out ang Pacific Knitting Mills bilang sponsor at kanilang binuo ang Miss Universe the following year, 1952.  Bukod sa Miss Universe, sila rin ang may hawak ng brand na Miss USA at Miss Teen USA.  Nagpalipat-lipat din ang may-ari ang Miss Universe, Inc. hanggang ito’y makuha ng business tycoon at US presidential bet na si Donald Trump na nagkaroon ng joint business venture with NBC pero ito’y kinansela ng huli dahil sa negatibong epekto ng political comment ni Trump na may kinalaman sa illegal immigration sa Amerika during  the June 2015  presidential kick-off campaign.  Three days later, ang kumpanya ay ibinenta ni Trump sa WME/IMG.
   
Sa panahon pa ni Trump ay binago na niya ang pangalan ng kumpanya from Miss Universe, Inc. to Miss Universe Organization at inilipat din niya sa New York City, USA ang headquarters ng Miss Universe mula Los Angeles, California.
   
Bukod sa Miss Universe pageant, hawak ng ng Miss Universe Organization ang Miss USA at Miss Teen USA beauty pageants.
   
Kung ang American comedian/TV host na si Steve Harvey ang kasalukuyang host ng Miss Universe, ang mga naunang hosts ng taunang international beauty pageant ay sina John Charles Daly (1955-to 1966), Bob Barker (1967 to 1987), Allan Thicke (1988), John Forsythe (1989), Dick Clark (1990-1993), Bob Goen (1994-1996).
   
Taong 1996 nang makuha ni Donald Trump ang operation ng Miss Universe sa ITT.  Earlier ay nagkaroon siya ng business tie-up with CBS hanggang sa lumipat siya sa NBC.
   
Donald trump is no longer the owner ng Miss Universe Organization.

CHAVIT, MALAKI ANG PAPEL

MALAKI ang papel ng businessman-politician na si dating Ilocos Sur governor Chavit Singson and his LCS Group of Companies para maisakatuparan ang pagsasagawa sa Pilipinas ng Miss Universe 2016 dahil siya ang nag-shell out ng $12-M na siyang required ng Miss Universe Organization.
   
One million US dollars