4,667 guests

Puntod ni FPJ, ‘box-office hit’

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 773
Puntod ni FPJ sa North Cemetery dinalaw ni Mayor Erap Estrada. Puntod ni FPJ sa North Cemetery dinalaw ni Mayor Erap Estrada.

KUNG tutuusin, ngayong araw ng November 2 ang All Souls Day o Araw ng mga Patay pero ang November 1 o All Saints Day ang mas ginugunita ng mga Pinoy at karamihan pa sa kanila ay nagsisimulang mag-vigil sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa gabi  ng October 31.

‘Yung mga gusto namang umiwas sa siksikan ng tao sa mga sementeryo ay sa November 2 nagsisipunta.

Kumbaga sa pelikula, box office hit ang puntod ng movie king na si Fernando Poe, Jr. sa Manila North Cemetery sa rami ang mga fans na dumadalaw sa kanyang puntod. Ganundin naman ang  puntod ng yumaong matinee idol na si Rico Yan at sina dating Pangulong Cory Aquino at dating Sen. Benigno `Ninoy’ Aquino sa Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque.  Sila ay ilan lamang sa mga kilalang personalidad na hindi nawawalan ng maraming dalaw sa tuwing sumasapit ang undas.

Isa sa dumalaw sa puntod ni FPJ ay ang kanyang best friend, ang dating pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada.  Nagpadala rin si Mayor Erap ng bulaklak sa puntod nina dating Pangulong Cory at Sen. Benigno Aquino sa Manila Memorial Park ganundin si Pangulong Rodrigo `Digong’ Duterte na pinasalamatan ni Kris Aquino sa kanyang social media account.

Dahil sa long week-end holidays, nakauwi ang marami sa kani-kanilang mga probinsya para dalawin ang kanilang namayapang mga mahal sa buhay pero marami rin  ang nagbakasyon sa ibang bansa at ang iba naman sa kanila ay sa iba’t ibang beach resorts ng Pilipinas pumunta.
   
Ngayong tapos na ang undas, balik na naman sa normal ang lahat at kasama na rito ang masikip na traffic ng buong Metro Manila.

MISS EARTH PHILIPPINES, IKINATUWA ANG PAGRI-RESIGN

MABUTI na lamang at hindi nanalong Miss Earth ang kinatawan ng Pilipinas ang Filipina-German na si Imelda Schweighart dahil hindi ito marunong tumanggap sa kanyang pagkatalo.
   
Last Monday (Novembr 1 at 5:52 p.m.) afternoon ay opisyal na tinanggap ng pamunuan ng Miss Earth organizers ang resignation ni Imelda bilang 2016 Miss Earth Philippines at naging kinatawan ng Pilipinas sa recently-concluded Miss Earth beauty pageant kung saan ang kinatawan ng Ecuador na si Katherine Espin ang nanalong 2016 Miss Earth.
   
Hindi pa man nagsisimula ang coronation night ng Miss Earth ay nagbitaw si Imelda na matatalim na mga pahayag comparing Pres. Rodrigo Duterte kay Hitler.  Maging ang nanalong Miss Earth, ang Miss Ecuador na si Katherine Espin ay kung anu-anong paninira ang kanyang sinabi.
   
Sa halip na maka-gain si Imelda ng mga kaibigan at mga papuri, nagkaroon siya ng maraming kaaway.
   
Samantala, ang 1st runner-up ng Miss Earth 2016 na si Kiara Giel Gregorio ang siyang papalit sa puwestong iniwan ni Imelda Schweighart bilang Miss Earth 2016.
   
Nalungkot naman ang bagong Miss Earth na si Katherine Espin ng Ecuador sa naging desisyon ni Imelda pero iginagalang umano niya ang ginawa nitong pagre-resign bilang Miss Earth Philippines.

KYLIE AT ALJUR, NAGKABALIKAN?

MUKHANG nagkabalikang-muli ang dating magkasintahang Aljur Abrenica at Kylie Padilla, anak ni Robin Padilla.  Ang dalawang Kapuso stars ay tila magkasamang nagbakasyon sa Japan over the long week-end.
   
Sina Aljur at Kylie ay nagkahiwalay noong 2014.
   
Since uso naman ngayon ang balikan ng dating magkasintahan tulad nina Bea Alonzo at Gerald Anderson at maging sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, hindi rin imposibleng magkabalikang-muli sina Aljur at Kylie na pareho pa ring single and un-attached hanggang ngayon.

ELLIE, TANGGAP NA TANGGAP NA NG PAMILYA NI JAKE

HINDI man in good terms ngayon ang dating magkasintahang Andi Eigenmann at Jake Ejercito, nagpapasalamat ang huli sa kanyang ex-GF dahil hindi nito ipinagkakait sa kanya (Jake) ang anak nilang si Ellie sa tuwing narito siya sa bansa.
   
Kung inamin na ni Jake na siya ang biological dad ni Ellie, tanggap na rin si Ellie ng pamilya ni Jake maging ng kanyang parents na sina dating Pangulo at ngayon ay Mayor ng Maynila na si Mayor Joseph `Erap’ Estrada at dating aktres na si Laarni Enriquez.
   
Estranged man ang kanyang mga magulang, mahal na mahal  siya sa kanyang amang si Jake at pamilya nito.

MAJA, UMAMING MAY IDINE-DATE PERO HINDI SI JOHN LLOYD

SA panayam ni Boy Abunda kay Maja Salvador, inamin ng Kapamilya actress that she’s dating someone pero hindi pa umano ito umaabot sa commitment.
   
Klinaro ni Maja na wala umano silang ugnayan ng actor na si John Lloyd Cruz liban sa kanilang pagiging close na magkaibigan.
  
Ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang huling naging boyfriend ni Maja. Nali-link naman ngayon si Gerald sa isa pang Kapamilya star na si Bea Alonzo.
   
Bago si Gerald ay naging boyfriend ni Maja ang boyfriend ngayon ng pop princess na si Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli.  Na-link din before si  Gerald kay Sarah pero hindi ito nag-prosper habang sina Sarah at Matteo ay kama-kailan lamang nag-celebrate ng kanilang ika-3rd anniversary bilang magkasintahan.

DEADLINE PARA SA MMFF2016, NA-EXTEND

NA-EXTEND ng dalawang araw until today, November 2 ang deadline ng pag-submit ng mga finished product ng mga pelikulang nagnanais na mapasama sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival.
   
May balitang nakarating sa amin na mahigit umanong 60 movies ang naka-sumite sa MMFF Screening Committee  pero walo lamang dito ang makalulusot.
   
Makapasok kaya ang entry na pinagbibidahan ni Vic Sotto, ang “Enteng Kabisote 10,” ang balik-tambalan nina Vice Ganda at Coco Martin ang “Pak! Ganern! Go!” na pinamahalaan ni Joyce Bernal, ganoon din ang tatlong entry ng Regal Films kung saan kasama ang “Mano Po: Chinoy” na pinagbibidahan ni Richard Yap.