5,942 guests

Liana, walang bisa ang donasyon na ibinigay ng iyong asawa

  • Written by Atty. Persida Rueda-Acosta
  • Published in Opinion
  • Read: 159

Say mo Attorney?

Kgg. na Chief Acosta,

Gumawa po ng Deed of Donation ang aking asawa at ibinigay niya sa kaniyang karelasyon na babae ang isa sa aming mga sasakyan. Tinanggap naman ito ng babae sa pamamagitan ng kasulatan. Dahil dito, nagsampa ako ng kasong concubinage laban sa kanila at sila ay napatunayang nagkasala. Nais kong malaman kung may bisa po ba ang donation ng aming sasakyan?

Lubos na gumagalang,

Liana

Dear Liana,

Ang Artikulo 725 ng New Civil Code of the Philippines ang siyang angkop sa inyong katanungan. Ayon sa nasabing artikulo:

Art. 725. Donation is an act of liberality whereby a person disposes gratuitously of a thing or right in favor of another, who accepts it.

Ayon naman sa Artikulo 739 ng parehong batas:   
   
Art. 739. The following donations shall be void:
   
(1) Those made between persons who were guilty of adultery or concubinage at the time of the donation; xxx.
   
Samakatuwid, walang bisa ang donation na ginawa ng inyong asawa sa kaniyang karelasyon sapagkat napatunayan sa hukuman na sila ay nagkasala sa kasong concubinage. Dahil dito, maaari ninyong mabawi ang sasakyan na ibinigay ng inyong asawa sa kaniyang karelasyon.
   
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais na­ming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
   
Ang inyong Ling­kod Bayan,
   
DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA

Punong Manananggol Pambayan

Paunawa:
   
Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: pao_e­xe­This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa PAO hotline: (02)426-2075, (02)­42­6-2801, (02)426-2450, (02)426-2987, (02)426-2683, o (02)929-9436 local 106 o 107 during office hours at local 159 after office hours.
   
Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng legal advice, court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury. Maaaring i­sum­bong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.