4,992 guests

Pakikipag-date kay Herbert, ibinuking ni Kris!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 698

GAYA ng sinabi niya sa isang Instagram post, balik na nga sa eksena at social media si Kris Aquino.

Sa isang endorsement event ng TV host-actress kahapon, umandar na naman ang pagiging matsika nito sa showbiz press at ibinahagi ang pagla-lunch nila ng erstwhile rumored BF na si QC Mayor Herbert Bautista recently.

Kinumusta kasi ng showbiz writers kay Kris ang lovelife niya at ’yun nga ang kanyang isinagot: Ang pagde-date nila ni Mayor Bistek.

* * *

Nag-last shooting day na noong Monday ang Viva Films movie na Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend? at ibig sabihin, habol na habol sa showing ng movie sa October 19.
   
Nataong birthday ni Director Jun Lana sa last shooting day, kaya double celebration sa set.
   
Natawa ang press people sa sagot ni Anne Curtis kung naniniwala siyang lahat ng guwapo, may boyfriend.
   
“Marami talaga akong nakikita ngayon at ’di na uso ang mga beki na nakabihis-babae. Hindi na nga malaman kung bading o straight ang isang guy. Ang guguwapo nila at ang gaganda magbihis. ’Yan na ang norm ngayon and we have to accept it.”
   
Sabi ni Dennis, hindi siya niligawan nang diretsahan ng mga bading, pero alam niya kung may gusto sa kanya at nirerespeto niya ang mga ito.
   
Hindi siya nambastos, pero sinabihan niyang hindi niya masusuklian ang feelings ng beki sa kanya.
   
Dalawa ang premiere night ng Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend? sa Oct. 18 -- una sa Glorietta sa hapon at sa SM Megamall sa gabi.

* * *

Ang isa pang local movie na inaabangan ang showing ay ang The Escort nina Christopher de Leon, Lovi Poe, Derek Ramsay at Jean Garcia.
   
Pero sina Lovi at Derek ang mas maraming sexy scenes na magpapainit sa moviegoers pagdating ng showing sa November 2.
   
Samantala, nasa bansa uli ang Fil-French na si Chris Johnson na kahit sinasabi ni Lovi na friend lang niya, iba ang nakikita sa mga kilos nila.
   
Si Chris ang ka-date ni Lovi sa Red Charity Gala, kaya lang, bakit kaya nito dinelete sa Instagram (IG) niya ang picture na dalawa lang sila?
   
Ang itinira ay ang picture nila na may mga kasama at picture ni Chris na kalahati lang ng face ang nakita.
   
Isinama rin ni Lovi si Chris sa Sunday treat ni Edu Manzano sa bahay nito para sa cast ng Someone to Watch Over Me.
   
Sa nasabing okasyon galing ang picture na nakitang nakaangkla kay Lovi si Chris at kinumpirma tuloy ng netizens ang relasyon nila.

* * *

Hindi naman siguro kilala nina Albie Casiño ang patuloy na namba-bash kina Jaclyn Jose at Andi Eigenmann dahil sobra  at pati ang apo ni Jaclyn na si Ellie ay idinadamay na.
   
Nakakaawa ang bata sa masasamang salitang ipinupukol sa kanya ng bashers, kaya nagalit na si Jaclyn.
   
Nabasa namin ang pakikipagsagutan ni Jaclyn sa isang basher sa Instagram (IG).
   
Sa galit nito, natawag niyang “gago” ang basher dahil sa comment na si Ellie ang tatanggap ng lahat ng karma para kay Andi dahil sa ginawa kay Albie.
   
“Hindi ka ba kinikilabutan sa ginagawa nio sa apo ko?! Sumusobra na kayo... I am asking help from DoLE I will find you and (make you) pay for what you have said to my granddaughter.”
   
Sa isa pang post ni Jaclyn sa same basher, mukhang magdedemanda nga siya. “You will pay for what you have said to my Ellie... I will make sure of that... even you deleted some of your messages, na-screen shot ko na... I will have you in court.”
   
Pinayuhan si Jaclyn na magsumbong at humingi ng tulong sa cyber crime division ng NBI at siguraduhing makulong ang mga grabeng maka-bash sa kanila ni Andi.
   
May nagsumbong na rin sa IG management sa pamba-bash kina Jaclyn.

* * *

Na-interview si Alma Moreno sa pictorial ng comedy show ng GMA-7 na Tsuperhero at inihingi pa rin ng dasal sa viewers ang anak na si Mark Anthony Fernandez.
   
Kuwento ni Alma, mabigat ang loob niya na makitang nakakulong ang anak at naawa siya ’pag dinadalaw niya ito.
   
Yumayakap daw nang mahigpit sa kanya si Mark at hinahawakan ang mga kamay niya.
   
Pinasalamatan ni Alma sina Lorna Tolentino at mga anak na sina Rap at Renz sa pagdalaw kay Mark at pati supporters ng aktor.
   
Para mas malapit kay Mark, pansamantalang lumipat sa Angeles City si Alma at lumuluwas lang ng Manila ’pag may taping schedule siya.
   
Sabi niya, pinilit niyang mag-smile sa pictorial dahil trabaho niya ’yun at kasama sa pinirmahan niya sa network, pero mabigat ang dibdib niya dahil sa nangyari sa kanyang panganay.