5,207 guests

3 lalaking sangkot sa droga, tinodas

  • Written by melnie ragasa-jImena & Jeneis Ann G. Canua
  • Published in Metro
  • Read: 291

TATLONG lalaki na umano’y sangkot sa iligal na droga ang nasawi makaraan umanong manlaban sa mga operatiba ng Quezon City Police habang isinasagawa ang Oplan Tokhang sa Bgy. Bagong Pagasa, Quezon City, kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat ni P/Supt. Igmedio Bernaldez, commander ng QCPD Station 2, nakilala ang mga nasawi na sina Alex Bacura, alyas Datz, at mga alyas na Kamal at Messi.
   
Sinabi ni Bernaldez na si Bacura ay nasa drug wachtlist ng nasabing barangay dahil sa pagtutulak at paggamit ng iligal na droga.
   
Nangyari ang insidente sa may bahay ni Bacura sa no. 170-G Acacia St., Sitio San Roque II, Agham Road, Bgy. Pagasa, QC, dakong alas-3 ng hapon.
   
Diumano nagsasagawa ng Oplan Tokhang ang tropa ni Bernaldez, nang katukin ang bahay ni Bacura ay sinalubong anya sila ng mga putok ng baril ng mga suspek.
   
Dahil dito, gumanti ng putok ang mga operatiba na nagresulta sa pagkasawi ng mga naturang suspek.
   
Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 at isang kalibre .22 baril, at isang granada, gayundin ang mga sachet ng shabu at drug paraphernalia.
   
Sa kasalukuyan patuloy na nagsasagawa pa ng operation ang mga operatiba ng pulisya.