6,027 guests

Absent

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 500

Alden at Maine, big winner sa PEP List Awards

ABSENT si Maine Mendoza sa PEP List Awards na ginanap last Sunday sa Crowne Plaza Hotel. Present naman ang ka-loveteam na si Alden Richards na anim na tropeo ang inuwi, huh!

Sina Alden at Maine ang biggest winners sa gabing ’yon. Newsmaker of the Year at Celebrity Pair of the Year ang dalawa. Nakuha rin ni Meng ang Female TV Star of the Year at Breakthrough Artist of the Year at Male TV Star of the Year si Alden.
   
Samantala, sa social media naman, umabot na sa 4 million ang followers niya, huh! Walang dudang si Maine na ang Social Media Darling.

* * *

PANG-RELEASE ng stress ni Rocco Nacino ang bagong red Mustang na sasakyan. Siya ang may dala nito nang pumunta sa presscon ng Oh Boy! kung saan magpapasiklaban sila sa pagkanta at pagsayaw ng co-Kapuso Heartthrobs na sina Aljur Abrenica, Derrick Monasterio at Jake Vargas sa September 23 sa Music Museum.
   
Ayon kay Rocco, dream niyang magkaroon ng mamahaling sasakyan. Investment din ito sa kanya at pagkakaroon ng magandang  image.
   
“’Yan ang girlfriend ko ngayon! Ha! Ha! Ha!” birong tugon ni Rocco na walang special someone after Lovi Poe.
   
Eh, gusto ba nilang imbitahan ang past girlfriends nila para mapanood silang kumakanta at naglalandi sa stage?
   
“We’re too busy para isipin pa ’yan,” sagot ni Aljur.
   
“Magpapasabi kami sa GMA na compulsory ang attendance ng lahat ng artista nila,” sabi ni Rocco.
   
Yes naman ang tugon ni Aljur kung puwedeng manood sina Louise de los Reyes, Janine Gutierrez at Kylie Padilla.
   
“Invite ko buong Encantadia cast,” susog uli ni Rocco.
   
Wala namang maisip sina Derrick ay Jake sa gustong imbitahang past girlfriends.
   
Mula sa Dreamstar Events ang Oh! Boy in cooperation with Bluewater Day Spa at GMA Corporate Communications habang  si Soc Mina ang musical director at si Marvin Cabildo ang stage director.