4,583 guests

Na-award

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 638

Kathryn, nakatikim kay Direk Olive!

Sobrang daming natutunan ni Kathryn Bernardo sa unang paki-kipagtrabaho niya kay Direk Olive Lamasan sa pelikula nila ni Daniel Padilla na Barcelona: A Love Untold na ipapalabas sa September. 

Ayon sa kuwento ng aming source, na-award o napagalitan si Kathryn ni Inang (tawag kay Direk Olive) nu’ng nagsusyuting sila sa Barcelona dahil may eksenang medyo nahirapan si Kathryn na i-execute. Bilang part ng motivation ni Direk Olive,  pinagalitan niya si Kathryn at pinagsabihan.
   
“Sey pa ng aming source, “Tahimik lang si Kathryn pag-uwi niya from the shoot. Hindi siya nagsasalita. Walang imikan.  Pero the next morning, nu’ng magkita sila ni Inang sa set, niyakap niya si Inang. Ang tagal nilang nagyakapan.
   
“Kung anuman ’yung  na-experience niya kay Inang, I’m sure, hindi niya naman ’yon pinersonal. Siyempre kailangang i-motivate mabuti ni Inang si Kathryn kaya pinagalitan niya ito and naging very effective naman ’yon.        
   
After nilang magyakap ni Inang, back to normal na ulit sila sa set, pero mas naging aware na si Kathryn sa mga gustong mangyari ni Inang sa eksena,” dagdag pa ng aming source.
   
Sey pa nga raw ni Direk Olive sa nanay ni Kathryn na si Mommy Min, “O, ’di ba, effective (’yung motivation). Ang galing-galing ni Kathryn, sana huwag siyang magbago.”
   
Bilib na bilib naman si Kathryn sa pagiging professional ni Direk Olive. Sobrang aga raw nito palagi sa set at minsan nauuna pa sa kanila ni Daniel.
   
“Minsan nauuna pa talaga siya sa amin ni DJ kaya nu’ng mga sumunod na shooting days, we make sure na agahan na rin namin para hindi naman nakakahiya. Sobrang professional po ni Inang,” sey naman ni Kathryn.
   
Sabi pa ng aming source, makikita raw ang maturity nina Kathryn at Daniel habang ginagawa nila ang Barcelona.
   
“Pinag-aaralan talaga ni Kathryn at DJ ang kanilang mga eksena. Binabasa nila ang script. Hindi sila pumupunta ng set na hindi ready kasi ayaw nilang mapagalitan ni Inang.”
   
Samantala, maraming fans na ng KathNiel ang excited na mapanood ang Barcelona: A Love Untold.  Huli kasi nilang nakita na magkasama ang dalawa in one project ay sa Pangako Sa ’Yo pa na ilang buwan na ring natapos.