6,069 guests

Supplier ng illegal drugs sa showbiz, ’di na makakakanta

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 328
Vhong Vhong

NAPATAY ng mga operatiba ang sinasabing supplier ng drugs sa mga showbiz personalities at maging sa mayayamang parokyano na si Alvin ‘Vergel’ Commerciante sa isang drug raid operation last Thursday, August 11 sa San Pedro, Laguna kaya hindi na nito maikakanta kung sinu-sinong personalidad ang kanyang sinu-suplayan ng droga.

May listahan umano ang mga pulis ng mga showbiz personalities na gumagamit sa ipinagbabawal na droga.

Samantala, tiyak na nalulungkot ang mayor ng Quezon City na si Mayor Herbert Bautista na nag-positibo umano sa drug test ang kanyang nakababatang kapatid, ang konsehal ng ika-apat ng distrito ng Quezon City na si Hero Bautista na isinagawa sa mga opisyales ng Quezon City kamakailan lamang.

Kung ito’y totoo, tiyak na hindi kukunsentihin ni Mayor Bistek ang kapatid.

Dapat lang talaga na tumigil na rin sa paggamit ng ipinagbabawal na droga ang ilang personalidad mula sa showbiz dahil ito ang nagiging ugat kung bakit nasisira ang kanilang career.

VHONG, MAGPAPAKA-CHIQUITO SA BAGONG PELIKULA

BUKOD sa Comedy King na si Dolphy, ang isa pang hinahangaang komedyante ng dancer-turned comedian-TV host and celebrity endorser na si Vhong Navarro ay ang yumaong si Chiquito.
   
As a little boy, mahilig na talaga si Vhong na manood ng mga comedy movies nina Dolphy at Chiquito kasama ang kanyang pamilya.  Kaya ganoon na lamang ang kanyang tuwa nang siya ang kunin ng bagong film outfit, ang Cineko Productions na gampaman ang title role ng “Mang Kepweng Returns” which was originally portrayed by Chiquito in 1979.
   
“Iba ang pakiramdam kapag nag-portray ka ng isang character na pinasikat noon ng hinahangaan

mong komedyante,” pahayag ni Vhong.
   
Vhong was last seen in the 2015 MMFF movie “Buy Now, Die Later” under Quantum Films.
   
Vhong who portrays the titular role of “Mang Kepweng Returns” has Kapuso actress Kim Domingo as her leading lady.  Kasama rin sa nasabing pelikula sina Jaclyn Jose (who plays the role of Milagros, the mother of Kepweng), Louise de los Reyes, Valeen Montenegro, Sunshine Cruz, James Blanco, Pen Medina, Lotlot de Leon, Matet de Leon, Jauncho Trivino, Jackie Rice, John Philip Bughaw (a.k.a. Balang), Ahron Villena, Jong Hilario, Tuko, Mini Vhong, Tuko, Jobert, Alex Calleja, Crazy Duo, Gerhard Acao, Bangki, Chunsa at iba pa.  Ito’y mula sa direksiyon ni GB Sampedro.
   
“Mang Kepweng Returns” is intended for the 2016 Metro Manila Film Festival.

KIM, MAGBUBUYANGYANG NAMAN SA PELIKULA

MASAYA ang Kapuso sexy star na si Kim Domingo dahil siya ang napisil ng Cineko Productions para maging leading lady ng dancer-comedian-TV host na si Vhong Navarro sa movie remake ng “Mang Kepweng Returns” na pinamamahalaan ni Direk GB Sampedro.  Ito bale ang first movie ni Kim at lead role kaagad ang ipinagkatiwala sa kanya ng bagong film outfit.
   
Kim is one of the busiest actresses sa bakuran ng GMA dahil may tatlo siyang iba’t ibang programa na tumatakbo, ang TV series na “Juan Happy Love Story,” ang comedy show na “A1 Ko sa `Yo” at ang longest-running gag show na “Bubble Gang”.

CACAI, DEDMA SA BASHERS

MATAPOS mapanood si Cacai Bautista sa hit movie na “Imagine You & Me” na pinagbidahan ng phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza, lipat naman kaagad ang singer-comedienne sa shooting ng “Enteng Kabisote 10 & the Abangers” na pinagbibidahan ng MMFF King na si Vic Sotto.
   
Masaya si Cacai kahit nagiging paborito siyang i-bash ng ibang tao.
   
“Sa halip na magpa-apekto, I just have to count my blessings,” pahayag niya nang ito’y aming makita sa storycon ng “Enteng Kabisote” last Wednesday afternoon.

JAMES AT NADINE, SHOOTING NA, BONDING PA SA GREECE                  

PAGKATAPOS ng matagumpay na TV series na “On The Wings of Love” na ang ibang mga eksena ay kinunan pa sa San Francisco, California, USA, back to taping na naman ang magkasintahan at magka-loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang bagong TV drama series na “`Til I Met You” na muling pinamamahalaan ng TV hit director at bagong box office director na si Antoinette Jadaone.
   
Kung may nga eksena sa San Francisco, California ang “On The Wings of Love,” sa Greece naman kinukunan ngayon ang ilang mga eksena ng “`Til I Met You”.
   
Bukod sa magagandang tanawin, nakakapag-bond pa nang husto ang magkasintahang James at Nadine habang sila’y nasa Greece.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.