Pia and Vic still 'together'

 

INAMIN na ni Pia Guanio na engaged to be married na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Steve Mago.

Suot niya ang kanyang mamahaling engagement ring at  ipinakita niya ito sa news anchors ng 24 Oras na sina Mike Enriquez at Mel Tiangco.

Approved din sina Mel at Mike ang pag-aasawa ni Pia dahil panahon na raw para bumuo ng sariling pamilya ang TV host.

Ang masarap sa paghihiwalay noon ng dating mag-dyowang Vic Sotto  at Pia, naging magkaibigan sila.

Kaya okey lang ang pagsasama nila hanggang ngayon sa Eat Bulaga kahit mag-aasawa na siya.

*  *  *

SUPER-busy  si Bea  Binene ngayon sa assignments niya sa GMA7.

In fact, si Bea ang pinaka-busy among the stars  ng Kapuso top-rating show na Tween Hearts.

Tanging si Bea ang may apat na regular programs sa GMA7. Bukod sa  Tween Hearts,  namamayagpag ang character na Blade ni Bea sa Captain Barbell. Kasama rin siya sa Party Pilipinas tuwing Sunday at sa weekly public affairs show na Good News sa GMA News TV with Vicky Morales.

Pero kahit super-busy, hindi pinababayaan ni Bea ang pagiging magaling na Wushu athlete.

Kasama sa schedule niya araw-araw ang training sa Wushu dahil sa national competition na sasalihan niya ngayong Mayo.

At sa muling pagbubukas ng klase, magiging abala naman sa pag-aaral si Bea kahit pa through home study program, regular ding  nagre-report sa school si Bea.

Ngayong Mayo rin, magsisimula nang mag-shooting si Bea for Tween Hearts: The Movie kasama ang original cast na binubuo nina  Barbie Forteza, Jake Vargas, Joshua Dionisio, Louise Delos Reyes, Lexi Fernandez, Kristoffer Martin, Joyce Chan, Derek Monasterio, at iba pa.

“Kahit super-busy  ako, ‘di rin ako nawawalan ng oras sa mga ka-barangay ko. Kapag may activities sa aming barangay sa Caloocan, dumadalo  ako. Tuloy din ang programa ko sa mga kabarangay ko na mga walang trabaho. Priority ko sila para magtrabaho sa accessories factory ng pamil-ya namin,” kuwento sa amin ni Bea.

Iniimbitahan din ni Bea ang kanyang fans na sundan siya sa kanyang Twitter and Facebook accounts dahil may inihahanda siyang outing para sa kanila.

Dito lang matutunghayan ang detalye ng events kaya huwag daw kayong maka-kalimot mag-tweet kay Bea o buksan ang kanyang Facebook.

*  *  *

Suwerte si Ellen Adarna kumpara sa ibang baguhang artista ng GMA7.

Unang sabak pa lang niya sa pagpapaseksi, nakasama agad siya sa top 10 most sexiest women ng FHM.

As of  May 6, nasa top 8 na si Ellen.

Unang nakilala si Ellen sa pagpasok niya sa GMA7 bilang bagong cast ng Bubble Gang. Isa si Ellen sa Bubblets ng show with Jac-kie Rice, Sam Pinto at Gwen Zamora.

Kasalukuyan ding lumalabas si Ellen sa Captain Barbell bilang superheroine na super-sexy.

*  *  *

ISA sa mga paboritong lead actors ni Direk Maryo J. delos Reyes ang kasaluku-yang bida sa soap na Mun-ting Heredera na si Mark Anthony Fernandez.

Napakadaling pakiba-gayan daw ng aktor at ma-daling kausap.

Pero napansin ni Direk na very conscious si Mark Anthony sa kanyang fresh look at pagkaguwapo.

Nang minsan naming makahuntahan si Mark Anthony sa set ng  Munting Heredera, nasabi niyang nag-dadala siya noon ng isang special light na gagamitin kapag siya’y may eksena.

Hindi kami nagtataka kung bakit sa grupo ng Guwa-pings, na kinabibilangan nina Mark Anthony, Jomari Yllana at Erick Fructuoso, namumukod-tanging si Mark Anthony ang nagbibida pa rin ngayon. Napanatili kasi ni Mark ang kanyang appeal bilang leading man material

*  *  *

TAMANG-TAMA ang presence ni Rufa Mae Quinto sa Comedy Bar ngayong Saturday.

Second Saturday na ni Rufa Mae sa show since nasa abroad ang original host nitong si Eugene Domingo . Kaya naman puro sexy girls ang mapapanood sa show.

*  *  *

MADALING makatanda ng mukha at pangalan si Chris Tiu.  Minsan mo lang siyang ma-meet, sa susunod ninyong pagkikita, tatawagin ka na niya sa pangalan mo.   

Tulad namin na kahit saan ma-meet si Chris, sa mismong pangalan kami tinatawag, huh!

Very sweet din si Chris sa mga taong bumabati sa kanya kaya no wonder, marami siyang fans.

At ngayong Sabado, hindi mabibitin ang fans ni Chris dahil muli nilang mapapanood ang kanilang idol sa Ripley’s Believe it Or Not.

Iba-ibang kababalaghan na ginagawa ng tao ang tinatalakay ni Chris sa show pero pawang totoo. Tulad ng ikukuwento niya tungkol sa isang tatlong palapag na tricycle (30 feet ang taas) na kayang patakbuhin sa kalye.

Mapapanood ang Ripley’s bago ang Amazing Cooking Kids ngayong Sabado sa GMA7.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC