Jacky Woo's tattoo surprises reporter


NAGULAT kami nang makita namin ang Japanese/actor/producer na si Jacky Woo na walang damit pang-itaas sa Quiapo kamakailan.

Ikinagulat namin ang tattoo niya sa likod na makikita lang sa isang Japanese Yakuza.

Natawa si Jacky sa amin dahil sa pag-aakala naming member siya ng kinatatakutang Yakuza na nagpunta  sa Pilipinas para magtago rito at mag-recruit na rin ng magagandang mga Pinay. Ka-rakter lang daw niya sa ginagawa niyang indie film ang pagpapa-tattoo sa likod ng marka  ng  isang Yakuza.

Ipinahimas pa niya sa amin ang tattoo na super-smooth at hindi sasabihing fake ‘yun.   

*  *  *

Napasyal kami sa taping ng Spooky Night Present: Ring…Tone  na balik-tambalan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Super-sweet ang dalawa at iisipin ng nakakakitang  nagkabalikan or muling bumalik ang matamis nilang pagmamahalan.

Pero, ayon sa dalawa, talagang friends lang daw sila. Wala raw puwang sa kani-kanilang puso ang pag-ibig sa isa’t isa.

Pakiusap ni Kris, sana raw ay huwag pababayaan ng kanilang fans ang kanilang tambalan ni Aljur kahit nga hindi talaga sila lovers.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC