HINDI pa rin masagot ni Kylie Padilla kung ready na siyang magpahalik on screen.
Lalo na ngayong bida na siya sa Blusang Itim, opposite Frank Magalona and Carl Guevarra.
At bilang love intrest nina Frank at Carl, natural na hindi siya makakaiwas sa mga maroromansang tagpo.
Uso pa naman ang yakapan at halikan sa mga mag-lovers sa TV.
“Hindi ko pa masasagot po ’yang tungkol sa kissing scenes. Tingnan natin sa hinaharap,” bitin na sagot ni Kylie.
Tungkol naman sa pagsusuot ng bathing suit, balik-tanong ni Kylie, hindi pa nga siya nagkapagsu-suot maski one-piece lang, paano pa ang two-piece o bikini?
Pero ang tiyak, very happy si Kylie kasi ipinagkatiwala sa kanya ng GMA7 ang Blusang Itim.
Matagal na rin daw itong hinihintay ng kanyang Daddy Robin Padilla kaya isa rin ito sa tuwang-tuwa nang ibalita niyang sa kanya napunta ang role ni Jessa/Jessica ng Blusang Itim.
Ilan din sa may importanteng papel sa Blusang Itim ay sina Lucho Ayala, Joanna Marie Tan, Maritoni Fernandez, Rita Avila, Jackie Lou Blanco, Gary Estrada, at iba pa at ito ay sa direksiyon ni Jay Alterejos.
* * *
TULUYAN nang hindi isinama si Paolo Avelino sa Temptation Island ng Regal at GMA Films, dahil nagkasakit ang aktor at na-confine sa St. Luke’s Hospital, kaya ang ipinalit sa kanya si Mikael Daez.
Gayunman, hindi nanghihinayang si Paolo, kasi raw, may ibang projects pa naman ang nakalaan sa kanya, in the future.
Bukod pagiging regular sa cast ng Alakdana, nakakasama naman siya tuwing Linggo sa Party Pilipinas.
May bago rin siyang ginagawang indie movie entitled Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, with Jean Garcia and Rocco Nacino, sa direksiyon ni Alvin Yapan.
Tsika pa niya sa amin, isasali raw ang pelikulang ito ni Paolo sa CineMalaya. Kaya say ni Paolo, kapag may nawala, may balik din agad na project sa kanya.
Oo nga naman!
Speaking of Alakdana, magtatapos na this week ang soap, kaya ngayon pa lang pinag-uusapan na kung kanino mapupunta ang bidang si Louise -- kay Paolo ba o Alden Richards?
* * *
PANTAY-PANTAY daw ang treatment ni MarvinAgustin sa contestants ng show niyang Kitchen Superstar, na napapanood bago mag-Eat Bulaga.
Kinumpirma ito ng isa sa 15 contestants na si Sony Azarcon.
At first, 21 contestants ang naglalaban-laban after ng audition sa pitong locations sa buong Pilipinas. Isang season tatagal ang show at ayon sa program manager na si Ms. Karen Lumbo, hanggang July 1 ito mapapanood.
Nakaka-anim na episode pa lang ang KitchenSuperstar pero hataw na ito sa rating dahil na rin sa premyong P1million cash at contract sa GMA7 bilang cast ng cooking show.
* * *
NAKAKATUWA naman ang 12-anyos child actor na si Renz Valerio dahil kahit busy sa pag-aartista, mataas pa rin ang kanyang grades sa school.
Top student si Renz nang mag-graduate sa elementary at first year high school na siya sa pasukan.
Kaya naman pasado agad si Renz bilang host ng bagong Kapuso show na My Chubby World na mapapanood simula ngayong Sabado ng umaga. Makakasama ni Renz sa show sina Zyrael Jestre, Daniela Amable at Gianna Cutler, na parehong lumabas sa Beauty Queen.
Kids show ang My Chubby World na maghahatid ng trivia and info sa mga bata.
* * *
MATAGAL bago nakum-binsi na pasukin na rin ng isa pang anak ni master rapper Francis Magalona na si Frank Magalona ang showbiz.
Napilit siyang mag-audition sa Blusang Itim at nakapasa naman si Frank kaya pasok siya sa cast ng soap na ipapalit sa Alak-dana.
Maluwag na rin daw ang schedule niya lalo pa at graduate na siya ng Fine Arts sa University of the Philippines.
Say ni Frank, hindi man niya matularan ang narating ng amang ni Francis M, pipilitin daw niyang hindi mapahiya ang pangalan nito sa bagong career na kanyang tinatahak.
* * *
PINAKAMALAKING TV project, so far, ng GMA7 ang Amaya na pagbibidahan ni Marian Rivera.
May pagka-epic kasi ang story nito na tungkol sa mga datu na nagru-rule sa mga Pilipino noon bago pa tayo sakupin ng bansang Spain.
In terms of budget, pinakamagastos daw ito, na mapapanood na sa May 30.
Say n’yo, gumawa pa ng sariling barko ang GMA7 worth P2 million para sa soap at idagdag pa ang props, damit at set na milyun-milyong piso rin ang gastos.
* * *
MAPAPANOOD ang second installment ng Bubble Gang na kinunan pa sa Thurderbird, Poro Point, La Union. With guests Sheena Halili, Janna Dominguez and Glaiza de Castro, ma-kikisaya sila sa BG barkada na sina Michael V, Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto, Maureen Larrazabal, Antonio Aquitania, Boy2 Quizon, at Bubblets Sam Pinto, Jackie Rice, Ellen Adarna at Gwen Zamora.