Rhian loves her career more than Mo?

 

MARAMI ang tumutok sa Paparazzi last Sunday dahil na rin sa magiging pahayag ni Mo Twister tungkol sa kontrobersyal break-up niya sa Kapuso star na si Rhian Ramos.

Sa simula pa lang  ng show,  kapansin-pansin na kakaiba ang aura ni Mo. Unlike before na masigla siya at buong-ningning na nagbibigay ng  ng mga opinyon sa bawat  isyu na tinatalakay sa kanilang programa.

Pero noong hapong ‘yun, lutang na lutang ang lungkot sa mga mata ni Mo, as in, feeling devastated talaga ang DJ/ TV host. 

At nang isinalang na sa hot seat ang binata, diretsahan ang tanong sa kanya kung bakit kailangang umabot pa sa Twitter ang sagutan nila ni Rhian gayung puwede naman silang mag-usap sa cellphone. At kung bakit  kinailangan niyang i-tweet ang mga  hinanakit niya kay Rhian, pati na ang mga  pribado nilang ginagawa  at mga  lugar na pinupuntahan  nu’ng very much in love pa sila sa isa’t isa a year ago?

Depensa ni Mo sa lahat ng ito, bigla raw nagpalit si Rhian ng phone number at hindi na niya makausap kaya ang Twitter lang daw ang naging  venue niya para mailabas ang kanyang emosyon at saloobin. 

Kinumpira din ni Mo na isinoli na rin ni Rhian ang ilang mga bagay na ibinigay niya sa dalaga.

In the end, inamin ni Mo sa nagkamali siya sa pagbubuhos ng emotion sa Twitter.

Wala raw siyang intensyon na siraan o dungisan ang pagkatao ng babaing  minahal at hanggang ngayon ay mahal pa rin niya.

“I’m dying,” ang emosyunal na nasambit na lamang ni Mo sa kontrobersiyal nilang break-up sa Twitter ni Rhian.

“It seems the days are numbered... It’s dying,” dagdag pa ni Mo, na talagang hindi mapigilan na maluha.

Humingi ng paumanhin si Mo sa fans, kaibigan at  higit  lalo sa mga  magulang ni  Rhian dahil alam niyang  nasaktan ang mga  ito sa naglabasang isyu tungkol kay Rhian.

Nilinaw ni Mo na wala silang intensyon ni Rhian na itago ang kanilang relasyon at tipong aamin na lang ngayong wala na sila. 

Depensa ni Mo, naghahanap lang daw sila ng tamang timing ni Rhian at tipong ini-enjoy muna nila ang isa’t isa, ‘yun nga lang,  nauwi rin sa hiwalayan blues.

On Rhian’s part, kami man ay nagtatanong kung bakit siya nakipaghiwalay kay Mo?

May kinalaman kaya ang magulang ng aktres o posible ring career move ito ng dalaga?

Kaya naman bagay kay Mo ang  kantang Bluer Than Blue, ’di ba?

In fairness kay Mo, hindi yata biro ang lungkot na mawala ang taong mahal mo, lalo pa’t sa kanya umikot ang mundo mo.

Grabe ang lungkot ni Mo at hindi niya ito kinayang itago. ‘Yun na!

* * *

Aminado si Aga Muhlach na naibigay na  rin niya ang lahat sa isang  relasyon,  In  The Name of Love, ’ika nga.

Kaya naman ngayong happily married na raw siya, wala na siyang mahihiling pa.

Madalang man daw siyang gumawa ng  pelikula , magaganda at  challenging naman daw ang mga istorya ng kanyang role.

Sa In The Name of Love, muling mapapanood ang famous dance steps ni Aga  na  nagpakilig sa  kanyang fans nu’ng dekada ’80.

Ang sabi pa ni Aga, kailangan daw  talagang  panoorin ang kabuuan ng pelikula para daw ma-enjoy nila ang napakagandang istorya nito. Sa presscon ng movie, say ni Aga, ibinalik daw ni Direk Olive Lamasan ang passion niya sa paggawa ng  pelikula.

Inaabangan na rin ang maiinit na love scenes nina Angel at Aga, gayundin ang kay Angel with Jake Cuenca.

Paliwanag ni Aga, bilang aktor hindi na raw ‘yung pride na nakaka-love scene niya ang magagandang aktres sa industriya ang nararamdaman niya, kundi ‘yung  kagustuhan niyang proteksyunan ang kapareha  sa tuwing may love scene sila. 

Kaya raw dito sa In the Name of Love, maiinit ang love scenes nila ni Angel pero  full of passion and longing daw ito.

Kung bakit, iyon ang dapat nating panoorin sa movie na nag-showing na kahapon, May 11, sa inyong paboritong mga sinehan.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC