Fan 5 araw nang naghihintay kay Jake Cuenca sa NAIA


PARA lamang kay Jake Cuenca, iniwan ni Elizabeth Aquino-Suarez, 51, ang kanyang asawa’t limang anak sa Iloilo. Ang nasabing fan ay limang araw nang naghihintay sa actor sa NAIA.    Si Suarez, dahil sa matinding pagnanasa at naniniwala na siya at ang batang actor na si Jake Cuenca ay “meant for each other,” ay naghintay sa airport ng limang araw para sunduin siya ng aktor.

Nabatid na si Suarez ay pabalik-balik sa NAIA Terminals l, 2 at 3 mula noong siya ay dumating mula sa Iloilo noong Mayo 6, lulan ng isang Philippine Airlines flight.

Ang tila nalilitong si Suarez ay nagsabi sa mga airport authorities na siya at si Cuenca ay matagal nang mag-‘textmates’ sa loob ng tatlong taon at iniwan na niya ang kanyang asawa at limang anak sa Iloilo para makasama si Cuenca.

Sinabi rin ni Suarez na mula noong makita niya si Cuenca sa television drama series, siya ay nahumaling dito at sinulatan niya ito. Pinadadalhan niya ng text messages at sinabing sila ay “soulmates.”

Nabatid na si Suarez ay palipat-lipat mula sa iba’t ibang airport terminal sa loob ng limang araw. Natutulog kahit na saan sa airport na may lugar at kumakain sa mga restaurants.

Kahit na hindi siya nakakaligo, sinabi ni Suarez na nililinis niya ang kanyang sarili araw-araw  sa public toilet ng airport, upang matiyak na mabango siya kung sakaling dumating si Cuenca para sunduin siya.

Sinabi ni Suarez na ipagpapatuloy niya ang paghihintay kay Cuenca sa airport pero malamang na hindi ito mangyayari pagkatapos na iutos ni NAIA Terminal I Manager Dante Basanta sa kanyang staff na pangalagaan siya  para ibigay sa mga proper authorities para malaman kung kailangan niya ang medical attention.

Kapag malamang may sira sa pag-iisip, sinabi ni Basanta na ibibigay siya sa kustodya ng Department of Social Welfare and Developlement para sa kanilang disposisyon.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC