Kiko’s son late on first taping day


NANGANGAPA pa si Frank Magalona sa aktingan dahil biglaan ang pagpasok niya sa showbiz.

Eh, isa siya sa leading men ni Kylie Padilla sa TV version ng Blusang Itim, kaya mabigat agad ang pressure na ibinigay sa kanya ng GMA Network.

“Okey lang naman 'yung pagpupuyat. Kasi, nasanay naman ako na inuumaga dahil sa mga project ko sa school nu'ng college. Kumbaga, I used to be up until the wee hours. So I think I'm very much prepared for that and to be patient," sey ni Frank nang makausap namin sa presscon.

Aminado siya na ang kailangan niyang ayusin ay ang pagdating sa oras ng taping.

"Yes, kailangan kong ayusin 'yon. Kumbaga, 'yung punctuality. Kailangan kong maging maaga. Kasi nu'ng first day, ang sinabi nila, ang call time, 7 p.m. yata.

“Tapos, nakarating ako, mga 7:30. Actually, late ako! Next time, I will do my best to come up with the...to be there at the right time," kuwento niya.

Bilang panganay na lalaki ng yumaong Francis at Pia Magalona, natoka sa kanya ang pagdi-design ng clothing line na iniwan ng kanilang ama bilang Fine Arts ang kursong tinapos niya sa University of the Philippines.

Three years na siyang namamahala sa design at tuwing Independence Day, siya ang gumagawa ng mga bagong design na nakatatak sa T-shirts.

Kumbaga, latebloomer ang pagiging artista niya ’di gaya ng mga kapatid na sina Maxene, Elmo, Saab at Arkin.

Eh, kung gusto siyang makilala ng mga tao, sino ba si Frank Magalona?

"Siguro, parang, isang tao na... siyempre artist ako... isang tao na... moody but at the same time, somebody who does well in his craft. He takes his craft seriously. I'm a painter. I'm a sculptor. I wanna be acting and it's the same. Acting is a form of expresssion, ’di ba? I wanna be known as somebody who takes his craft very seriously, as an actor and as an artist. As a painter, as a sculptor. As a singer. As a songwriter," paliwanag ni Frank.

Eh, kumusta siya bilang anak?

"Ah, siguro I'm a son who respects his dad all the way, whatever happens. I'm very thankful because lahat ng natutunan ko sa buhay, almost everything na interested ako, sa music, pagsusulat, sa pag-arte, I got from him.

“Witnesssing his body of work, from acting to writing songs. I'm the son who idolizes his father a whole lot," deklara ni Frank, na huhusgahan na sa Lunes sa pagsisimula ng Blusang Itim.

* * *

PATULOY ang pagdayo ng grupo nina Mama Ali Sotto, Papa Pack at kambal na sina MM at MJ sa iba't ibang lugar ng Metro Manila at karatig-probinsiya.

Nang pasyalan namin sila kahapon, nasa Domingo Santiago St. ang buong grupo para sa taping ng StarBox.

Madaling araw pa lang, nandu’n na ang buong staff at crew, pati na si Direk Louie Ignacio.

Ang pampagising ng show  at tumawag ng pansin ng tao ay ang members ng grupong XLR8 na sina MM at MJ.         Pumaparada, umiikot at sumasayaw talaga sila sa gitna ng araw para hikayatin ang mga taong manood ng programa at makisali sa balitaktakan.

Minsan nga raw, ayon kay MJ, sa gigil ng isang fan sa kanya, bigla siyang hinalikan sa labi.

Natulala na lang daw ang bagets pero game pa ring ipinagpatuloy ang paghu-host ng segment nila.

Naging guest naman sa taping na 'yon (na mapapanood ngayong umaga) si Julie Ann San Jose.

Nabuking na ang crush niya sa showbiz ay si Dennis Trillo pero ang hinahanap sa kanya ay ang ka-loveteam niya sa Party Pilipinas na si Elmo Magalona.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC