BAY, Laguna -- Pa-tay ang isang tauhan ng UPLB forest technician matapos barilin ng malapitan sa ulo ng isang armadong lalaki habang nasa loob ng Adkolorz Sign Shop sa Highway ng Bgy. Maiitim noong Lunes.
Kinilala ni Laguna police director Senior Supt. Gilberto Cruz ang biktima na si Elpidio Malinao, 49, naninirahan sa Makiling Center for Mountain Ecosystem, CFNR, UP Los Baños, Laguna.
Nasawi ang biktima sa mismong loob ng shop bunsod ng dalawang malubhang tama ng bala sa kanyang ulo.
Ang hinihinalang salarin na nakasuot ng helmet ay mabilis na tumakas sakay sa kanyang MC Honda Wave motorcycle subalit hindi naitala ang plate number dahil sa malabo na ang mga letra.
Ayon sa pahayag ni Rey Campusano, may-ari ng pagawaan ng tarpaulin, nagulat na lamang siya sa ginawang pamamaril kay Malinao, na kasalukuyang nagpapagawa ng print of bulletin board para sa Church Grace Baptismal.
Narekober ng SOCO team ang dalawang basyo ng bala ng hindi malamang kalibre ng baril.