SHOCK si Ruffa Gutierrez, isa sa hosts ng Paparazzi with DJ Mo, Dolly Ann Carvajal, and Tita Cristy Fermin, last Sunday nang mag-promote sina Bernadette Alysson and Cheska Inigo para sa bagong show ng TV5 at remake ng Bagets.
Tinanong ni Ruffa ang dalawang guests kung anong araw at oras ipalalabas ang bagong show, sagot ng dating Bagets stars, every Sunday, 4:30 ng hapon.
Hindi agad nakasagot ang unica hija ni Tita Annabelle Rama sa sinabi ng dalawa, dahil timeslot nga naman ito ng Paparazzi.
Agad namang sinenyasan si Ruffa ng production people na hindi mawawala ang Paparazzi at magbabago lang daw ito ng timeslot.
Mapapanood na raw ang Paparazzi, sa pagpasok ng Bagets next Sunday, sa alas-3 ng hapon.
Kaya naman after ng kanilang show, nagkaroon sila ng emergency meeting at doon lang nalaman ng hosts ng Paparazzi kung anong klaseng show ang mapapanood ng televiewers sa susunod na Linggo.
May tsika kaming nasagap na magre-format daw sila at gagawin na raw itong parang magazine show.
Marami rin daw mawawalang segments, lalo na ang “Presscon Express” kung saan nag-iimbita sila ng members ng movie press para magtanong sa kanilang controversial guest stars.
Ayon naman kay Tita Cristy, ipaglalaban daw nila ito sa meeting at hindi raw dapat mawala ang naturang segment.
Ilang lang daw kasi ang ang pagkakataong masasagot ng controversial stars ang mga intriga tungkol sa kanila.
Habang sinusulat namin ito, wala pa kaming balita kung ano ang nangyari sa meeting at kung sila pa rin ba ang magiging hosts ng magre-reformat na Paparazzi.
Alam n’yo na!!!!
* * *
MASAYA ngayon si Pokwang dahil natapos na ang ipinatayong dream house sa Summer Hills, Antipolo. Umabot daw sa P30 million ang kanyang nagastos at ayon kay Pokwang, kung hindi raw siya marunong magtipid habang pinagagawa ang four-storey with 8 -bedroom na bahay, baka naghihirap na siya ngayon sa kawalan ng datung.
Noong pinaplano pa lang niya ang pagpapagawa ng kanyang dream house, talagang pinaghandaan na raw niya ito financially, kasi nga, mahirap mabitin at baka hindi lang ito matapos, kaya super-tipid daw ang hitad.
Ngayon daw, nakatira na siya sa bago niyang bahay kahit hindi pa tapos ang prayer room, na ayon sa kanya, ito raw ang pinakaimportante kaya minamadali niyang matapos.
“May sarili akong kuwarto at ang anak kung angel, kung saan man siya naroroon ngayon, siguro masaya siya kasi nga nakikita niyang hindi ko siya pinabayaan,” malungkot na kuwento ni Pokwang.
Nagpapasalamat din si Pokwang sa anak niyang anghel, kasi nga, muli siyang nakabalik sa noontime show.
Isinama na siya ng ABS-CBN management sa Happy, Yipee, Yehee bilang bagong host sa segment na Kuwarta o Kahon.
Hindi naman niya inabandona ang dati niyang bahay. Pinatira niya du’n ang kanyang kapatid para makamenos sa gastos, kasi nga, mahal yatang umupa ng bahay ngayon.