Governor's son courting Sarah?

 

BALITANG nililigawan umano si Sarah Geronimo ng anak ni CamSur (Camarines Sur) Gov. LRay Villafuerte na si Miguel.

Agad naman itong dinenay ni Sarah at sinabing na-meet lang daw ang anak ng gobernador nu’ng imbitahan siya ng CamSur governor para mag-concert doon. Maging ang pagpapadala ni Miguel sa kanya ng flowers sa premiere night movie nila ni Gerald Anderson, Catch Me, I’m In Love, itinanong sa singer-actress. Say naman ni Sarah, sa rami raw ng nagpadala ng bulaklak, hindi na niya alam kung alin ang ibinigay du’n ng anak ng gobernador. 

This month, patungo si Sarah sa Los Angeles para mag-aral ng voice and dance lessons sa loob ng tatlong linggo.

Muli, ikinonek ang pagpunta doon ng dalaga kay Miguel dahil doon din umano nag-aaral ang binata na kumuha ng ng kursong Political Science sa New York University. 

Paano raw kung bisitahin siya ni Miguel, sagot ni Sarah: “Kasi ano, eh, hindi ako kumportable kapag in-invite ako ng isang hindi ko pa kilala.”

Sa ngayon daw kasi, hindi ang paghahanap ng BF ang iniisip ni Sarah kasi ayaw daw niyang maulit ang nangyari sa kanila ni Rayver Cruz.

“Traumatic, kasi pinilit ko po, eh. Kasi nu’ng mga panahong sobrang masakit talaga, nagpi-pray lang ako. Kasi ang sakit talaga, eh.”

Pagkatapos daw kasi nang nangyari sa kanila ni Rayver, parang natakot na siyang magmahal uli.

Ipinagtanggol din ni Sarah ang babaing naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Rayver -- si Cristine Reyes.

Matatandaang si Sarah mismo ang lumapit kay Cristine para magkabati sila.

Bukal daw sa loob niya pakikipagbati sa sexy actress at alam niyang tinanggap din ‘yun ni Cristine nang maluwag sa loob.

“Hindi ganun si Cristine,” depensa ni Sarah.  “Minsan, nagkaka-exchange po ng text messages,” hirit pa niya.

* * *

NILINAW ni Jake Cuenca sa presscon ng In The Name of Love na walang break-up na nangyari sa kanila ni Melissa Ricks.

Nitong nakaraang mga araw kasi, napabalitang hiwalay na ang dalawa, pero wala namang kumpirmasyong naririnig mula sa young couple.

“Wala pa namang break-up o anuman. Sa ngayon na busy kaming dalawa. Okay kami. Nag-uusap kami. Kaya lang naman kami hindi madalas magkita nga-yon because of our schedules. Pero, okay kami,” paliwanag ni  Jake.

* * *

PINARANGALAN si Jericho Rosales ng Special Artist Award na Outstanding Achievement in Acting ng  Newport Beach Film Festival dahil sa pagganap niya bilang si Victor sa international movie niyang Subject: I Love You, na idinirehe ni Francis dela Torre.

Ang manager ni Echo na si Angeli Pangilinan ang tuwang-tuwang nagbalita nito kung saan ang pelikula raw ay nagkaroon pa ng second screening among 400 films na kasali NBF Festival. Kasama ni Jericho sa pelikula ang Hollywood stars na sina Briana Evigan, Kristine Bauer, Dante Basco at may cameo role naman si Gary Valenciano.

Anyway, namamayagpag din ang career ni Echo sa Green Rose, ang teleserye nila ni Anne Curtis sa ABS-CBN. 

Pagkatapos ng special screening sa California, positibo ang nakuhang feedbacks ni Echo sa kanyang acting kaya naman very happy si Anne para sa kanya.

“I’m very happy for Echo. He really deserves all the positive things happening to him now,” say ni Anne.

Sa pagpapatuloy ng Green Rose, unti-unting lumalalim ang pagtitinginan sa isa’t isa nina Lee Jung Su  (Jericho) at Angela (Anne). Sabay sa papagandang kuwento ng Green Rose, ang patuloy na pagtaas sa rating nito. Ayon sa Kantar Media, noong May 3 (Martes), kahit pa nagbago ng timeslot, nakakuha ng 17% na national rating ang Green Rose laban sa Secret Garden ng GMA7 na nakakuha lamang ng 13.7%.

* * *

NAGKATRABAHO kamailan sina Liz Uy at si Valenzuela councilor Shalani Soledadn, na parehong nagkaroon ng kaugnayan kay Pangulong Noynoy Aquino, para sa pictorial sa isang magazine.

Ayon sa tsika sa amin, si Liz ang naging stylist ni Shalani sa photo shoot. Nagbigay din daw ng pointers ni Liz sa ex-GF ni P’Noy kung ano ang mga dapat gawin sa naturang pictorial.

Inamin naman ni Shalani na ninerbyos siya sa naturang proyekto.

“Ninenerbyos ako because this is very different from what I normally wear. Also, ’yung make-up, it’s not something na I would wear on a day-to-day basis so, ninenerbyos ako,” kuwento ng Valenzuela councilor na TV host na rin.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC