Gustong palitan ang first name


Dear Chief Acosta,

AKO po ay may anak na apat na taong gulang. Nais po sana naming palitan ang kanyang pangalan na “Abby Mae” upang maging “Abby Ann”. Ano po ba ang maaari naming gawin?

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,


Joseph


Dear Joseph,                          

Ayon po sa Artikulo 376 at 412 ng ating Kodigo Sibil, hindi maaaring baguhin ang anumang tala sa civil register hanggang walang judicial order mula sa korte na nag-uutos sa civil registrar na ilagay ang nasabing pagbabago.

Samantala, ang pagsasabatas ng R.A. 9048 ay nagpadali sa proseso ng pagtatama sa maling tala sa birth certificate pati na ang pagpapapalit ng pangalan ng isang tao.  Binibigyang kapangyarihan kasi ng nasabing batas ang mga local civil registrar na ipatupad ang nasabing pagbabago ng hindi na mangangailangan pa ng utos mula sa korte.

Sa ilalim ng R.A. 9048, ang mga sumusunod na pagbabago ay pinapayagan ng nasabing batas:

“1. Correction of clerical or typographical errors in any entry in civil registry documents, except corrections involving the change in sex, age, nationality and status of a person.

(A clerical or typographical error refers to an obvious mistake committed in clerical work, either in writing, copying, transcribing, or typing an entry in the civil register that is harmless and innocuous, such as a misspelled name or misspelled place of birth and the like, and can be corrected or changed only by reference to other existing record or records.)

2. Change of a person’s first name in his/her civil registry document under certain grounds specified under the law through administrative process.”

Kaugnay sa pagbabago ng first name ng isang tao, pinapayagan lamang ito sa ilalim ng mga sumusunod na kondisyon:

“1. The petitioner finds the first name or nickname to be ridiculous, tainted with dishonor or extremely difficult to write or pronounce;

2. The new first name or nickname has been habitually and continuously used by the petitioner and he has been publicly known by that first name or nickname in the community; or,

3. The change will avoid confusion.”

Bagama’t may kapangyarihan na ang local civil registrar na baguhin ang tala ng first name ng isang tao sa kanyang birth certificate, kailangan munang mapatunayan na pasok ang kanyang sitwasyon sa isa man sa tatlong nabanggit na kondisyon.  Samakatuwid, kailangang may matinding dahilan bago hingin ang nasabing pagbabago.  Kung hindi siya pasok sa mga nabanggit na kondisyon, maaaring balewalain o i--deny ng local civil registrar ang kanyang petisyon.

Sakaling mapatunayan na may valid na dahilan upang hilingin ninyo ang pagbabago ng pangalan ng inyong anak, ang kailangan ninyong gawin ay ang maghain ng karampatang petisyon sa Local Civil Registry Office (LCRO) ng lugar kung saan nakarehistro ang birth certificate ng bata.  Kung sakaling ang nasabing lugar ay malayo o iba sa lugar kung saan kasalukuyang naninirahan ang bata, maaari ninyong ihain ang nasabing petisyon sa LCRO na pinakamalapit sa kasalukuyang tinitirhan ng bata.

Sa paghahain ng nasabing petisyon, kakailanganin ninyong isumite ang sumusunod na dokumento:

“1. A certified true machine copy of the certificate or of the page of the registry book containing the entry or entries sought to be corrected or changed.

2. At least two (2) public or private documents showing the correct entry or entries upon which the correction or change shall be based; and

3. Clearance from authorities such as clearance from employer, if employed; the National Bureau of Investigation; the Philippine National Police; and other clearances as may be required by the concerned C/MCR.

4. Proof of Publication - An affidavit of publication from the publisher and copy of the newspaper clippings should be attached.

5. Other documents which the petitioner or the city or municipal civil registrar or the consul general may consider relevant and necessary for the approval of the petition.”

Maaari rin ninyong makita ang mga nabanggit na impormasyon sa website na http://www.census.gov.ph/data/civilreg/primerra9048.html.

Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan. Gayunpaman, binibigyang-linaw po namin na ang mga payong nakasaad sa liham na ito ay base lamang sa mga impormasyong nilalaman ng inyong liham. Maaaring may ibang legal na opinyon na mas angkop dito kung may mga importanteng detalye na hindi ninyo nabanggit. Mas makabubuting kayo ay personal na sumangguni sa isang abogado upang mas malinaw ninyong mailahad ang inyong sitwasyon nang sa gayon ay mapayuhan kayo ng mga hakbang na nararapat ninyong gawin.


Ang inyo pong lingkod bayan,

PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan




Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC