Tumirada na naman si Bentong, este SPO2 Gregorio Mendoza, nang sumuko ito sa National Bureau of Investigation (NBI) sa kalagitnaan ng pagpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya ng korte, dahil sa naging papel nito sa hostage-taking incident sa Quirino Grandstand last year.
Siya ay nilabasan ng warrant dahil sa kinakaharap niyang kasong serious illegal detention at conspiracy dahil nga sa naglabasan sa ulat na pinaggagawa niya kung saan imbes na tumulong na patigilin ang kanyang kapatid na si dismissed Capt. Rolando Mendoza ay inurot pa niya itong magalit at ituloy lang ang pangho-hostage.
Anyway, nu’ng sumuko siya, imbes na ang pinagkaabalahan eh sagutin ang akusasyon laban sa kanya, o kaya ay patunayan na inosente siya sa akusas-yon, may panahon pa itong mamulitika.
Nakita ko kasi sa isang television interview itong si Bentong, ay sus mali na naman, SPO2 Mendoza pala, na nagsasalitang may banta daw sa kanya mula sa mga “colonel” na nagpo-protekta kay Mayor Fred Lim.
Tapos, wala namang pinangalanan kung sino ’yung mga sinasabi niyang nagbabanta sa kanya.
Ganyang-ganyan din siya nu’ng pinalalabas niyang iba ang pakahulugan nu’ng sinabi ni Lim kay Magtibay na dalhin na siya sa Tondo, kung saan dala-dalawa ang police station.
Mahilig mag-hinala itong si Mendoza. ’Di kaya “Hinala” o “Dudoso” ang middle name nito?
Anyway, ang higit kong ikinagulat ay ’yung mga abogadong kasama ni Bentong, aguy, Mendoza pala. Hindi ko na sila papangalanan pero ang pagkakaalam ng lahat, ’yung dalawang abogado na ’yun ang siya ding abogado ng natalong kandidato sa pagka-alkalde sa Maynila na si Lito Atienza. In fact, ‘’yung isa pa nga ay dati niyang opisyal sa City Hall.
Sila din ang mga abogado na nasa NAIA Stadium noong bilangan ng boto at sila pa din ang nagre-represent kay Atienza sa protesta nito sa Comelec. Har-har-har. Kaya naman pala biglang namutawi sa mga labi ni Bentong, ahek, Mendoza pala ulit, ang mga salitang laban kay Lim.
Hindi naman ata masyadong obvious kung sino ang pulitikong protektor at gumagamit kay Bentong, nyek, Mendoza pala, noh? Noh?
***
Siya nga pala, bago magalit sa akin ang fans ni Bentong, pasensiya na po baka kasi isipin ninyo na iniinsulto ko siya. Naaalala ko siya kasi pareho sila ni Mendoza na — kenkoy! Pero sinisiguro ko, mas cute ’yung original na Bentong! Iba ’yung nakakatuwa sa masarap dagukan!
***
Regular customers of Pancake House on Blue Wave Macapagal Blvd. would like to laud its management for having an accommodating, courteous and kind staff led by Roel Reyes, Mark Pamuceno, Jeff Nabat, Imelda Castillo and Adrian Ocampo and their supervisors Dwine Balagtas, Melany Paras and Lea Barawid. Greetings, too, to Reyes’ parents Manuel, Jr. and Lolita and wife Juliet and children Rhiyo, Nayomi, Tatiana and Yuriko.
***
Humihingi ng tulong ang mga residente dahil sa malalalim at malalapad na mga uka na laging naiipunan ng tubig at nakakapambiktima ng mga pedestrians at sasakyan. Ang problema, ’yung kinalalag-yan umano ng mga uka ay nasa boundary daw ng P. dela Cruz sa Barangay 166 sa Kalookan City at Barangay Nagkaisang Nayon sa Quezon City. Nilapitan na daw ng mga napeperwisyong residente ang mga barangay chairman na sina Obet delos Santos ng Kalookan at Ver Drueco ng QC pero nagtuturuan umano ang dalawa sa kung sino ang nakakasakop sa problema. Ayos din ah!
***
Madami ang pumupuri kay Provincial Prosecutor Manny Velasco for patiently answering all queries addressed to him. Masipag at magaling na tao itong si Prosec. Velasco bukod sa hindi corrupt at matapat sa serbisyo. We need more people like him in the judiciary.
***
Jokjok (from Cristina Paez of Naga City)—-Mister: Ang ikinagagalit ko lang naman, bakit sabi nu’ng rapist na idinemanda natin eh gumaganti ka? Kung ano ang gawin sa ’yo gan’un din ang ganti mo habang ginagahasa ka niya?/Misis: Susme naman darling, self-defense ang tawag dun! Ano ka ba???
***
Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
or please text 0929-5953737.