"Kahit baog, mabubuhayan kay Cristine Reyes!" birong totoo ni Carlo Aquino nang tanungin kung hindi ba siya nadarang sa love scene nila sa Tumbok.
"Ang ganda kasi ni Cristine, eh. Kahit sinong lalaki, feeling jackpot ’pag nakahalikan o naka-love scene siya. Makinis. Flawless. Ang ganda-ganda pa!"
So kumusta 'yung love scene nila?
"Panoorin n'yo na lang. Normal na love scene ng mag-asawa. Kasi, mag-asawa kami dito, kaya alangan namang magkahi-yaan pa kami."
Pero nilinaw agad ni Carlo na hindi sexy movie ang Tumbok na showing na sa May 4 sa mga sine-han.
"Horror-suspense 'to, so hindi naman kami nag-concentrate lang sa love scene namin bilang mag-asawa. Nakakatakot, na-kakakaba, mapapaisip ka, magugulat ka sa mga eksena."
Newly wed couple sina Cristine at Carlo. Pina-manahan ng condo unit ng namayapang ama si Carlo. Pero ang unit na tinirhan nila ay inupahan na pala dati ng strange tenants at doon na magsisimula ang mga pagpaparamdam kay Cristine.
At bakit Tumbok ang title ng pelikulang ito na dinirek ni Topel Lee? Panoorin ang pelikula at masasagot kumbakit ito Tumbok.