'Goodbye IHYP'


Inabangan ang announcement ni Regine Velasquez sa Party Pilipinas  kahapon, pero sorry na lang sa mga naghintay dahil hindi pa rin nito kinumpirma ang balitang preggy siya. Ang announcemet nito ay ang pag-alis niya sa I Heart You Pare. Kinanta muna nito ang All My Life na tinapos ni Ogie Alcasid dahil umiyak ito.

“Paalam, iiwan ko ang IHYP. I will miss everybody, I will miss Dingdong. Lately, I’ve been sickly and in and out of the hospital at pinayuhan ako ng doctor to take a rest for awhile, but I’ll be back, ’di ko na lang kaya,” sabi nito.

Pinasalamatan ni Regine ang whole GMA Network at ang buong Team IHYP  lalo na sina Otep, Hazel at direk Andoy Ranay na peg daw niya sa karakter ni Tonette. “Sa lahat nang sumusubaybay at patuloy na sumusubaybay, kahit wala na ako roon. nandun pa rin ang puso ko.”

* * *                                                    

Dumalaw kami sa first taping day ni Iza Calzado sa I Heart You Pare at inamin nitong nanibago siya. Ang fear niya ay ang singing part at ang umakting na bakla, but so far, okay ang first day niya at mamaya ang unang labas niya as Tonette.

“Masaya naman so far, inayos ang make-up at looks ko at nawala ang initial worry ko dahil hindi ko napapanood ang series. Kinausap ko si Ricci Chan for background at nanood ako ng clip sa YouTube. Tinawagan ko rin si Ate Regine at nag-usap kami ng 20 minutes. I need to know kung may mannerism siya. Sa rehearsal ng Party Pilipinas, sinabihan ako ni Kuya Ogie na if I have problem, feel free to call Ate Regine at ginawa ko naman.”

Hindi iniisip ni Iza ang pressure at ang nasa isip niya ay magawa ng tama ang trabaho niya lalo’t si Regine ang pumili na pumalit sa kanya. Looking forward na siya sa mga eksena nila ni Paolo Ballesteros at ’di raw siya patatalo rito.

Hindi muna mapapanood sa Eat Bulaga si Iza dahil sa I Heart You Pare at may message siya sa viewers nito. Sabi nito, “I hope that you will appreciate my work. Kakayanin ko at gagawin ko ang lahat para maaliw kayo in my own special way.”

* * *                    

Nakausap namin si Direk Andoy Ranay na first time nakatrabaho si Iza Calzado at tiniyak na hindi mahihirapan ang aktres dahil aalalayan nila. “I told her I know it’s a tough act to follow, but she’s an intelligent actress at alam kong makakatulong siya sa I Heart You Pare,” sabi ni Direk Andoy.

Tsika ni Direk, tinawagan siya ni Regine bago ito mag-decide na titigil na sa pagti-taping at na-appreciate niya ang ginawa nito. Emotional daw si Songbird, pero in-assure niyang okey lang ang kung ang kapalit ay “fulfillment ng dream” nila ni Ogie Alcasid. Hindi siya worried na iba na ang gaganap na Tonette dahil confident siya sa story, may Dingdong Dantes pa at lahat nagtatrabaho nang husto.

Samantala sa I Heart You Pare, mainit ang love triangle nina Tonette (Iza), Chito (Mark Fernandez) at Kenneth (Dingdong Dantes), irita ang huli sa pagiging over-protective ni Chito kay Tonette. Masama ang hinala nitong peperahan at gaagmitin lang nito si Tonette. Makikita ni Mandy (Ehra Madrigal) sina Tonette at Chito at akala’y niloloko nito si Kenneth at isusumbong ang dalawa.

* * *

Malaking challenge kay Carmina Villarroel ang mapili ng GMA-7 na mag-host ng Amazing Cooking Kids na eere na sa April 16, dahil hindi siya nagluluto. Nag-try siyang mag-aral ng cooking kay Sylvia Reynoso, pero ‘di raw sila swak. Mas natuto pa raw magluto ang mga anak, pero nahihiya namang magluto in front of people.

“Kaya sobra akong excited sa first reality at cooking show na iho-host ko dahil alam kon marami rin akong matututunan. Sa ngayon, taga-tikim lang muna ako sa niluluto ng mga bata, hopefully, makakuha rin ako ng tips,” wika ni Carmina.

Pasalamat si Carmina na hindi siya kasama sa pipili ng winner sa 12 finalists dahil sina Chef Rosebud Benitez, Chef GB Barlao at Chef Jackie Ang-Po ang hurado. Every Saturday, 11:15 a.m., mapapanood ang Amazing Cooking Kids.

* * *                                                            

Sa Dwarfina, nalungkot si Dwarfina (Heart Evangelista) sa pagkamatay ni Abiana (Jackielou Blanco) at si Calixto (Jestoni Alarcon), gustong magpakamatay para makasama ang asawa. Napigilan lang siya dahil kailangan siya ng ibang duwende at ni Dwarfina para sila’y makatakas.

Inaalo ni Dwarfina si Zinya (Isabel Frial) at ipagtatanggol niya ang bata. Makakatakas si Dwarfina sa palasyo gamit ang singsing ni Abiana at isasama si Zinya sa pagtakas. Madidiskubre ng dalawa na may power si Zinya at kayang ipagaya sa tao ang kanyang mga kilos.

* * *

Mas maaga mapapanood ang Babaeng Hampaslupa this week at mamaya, galit si Anastacia (Alice Dixson) nang i-confront siya ni Andrw (Martin Escudero) sa injury ni Grace (Alex Gonzaga) at iba-bribe si Grace para layuan si Andrew.

Malalaman ni Andrew sa supervisor ni Grace na si Elizabeth (Karel Marquez) ang nag-utos sa kanyang utusan si Grace na magdala ng wine kay Andrew. Iko-confront nito si Elizabeth na aaming si Helena (Susan Roces) ang nag-order sa kanya.

Tagumpay na na-copy ni Margaret ang video files, pero nang panoorin ni Helena, animation lang pala. Agad nitong paaalisin si Margaret sa Wong mansion lalo’t narinig ni Katarina (Bing Loyzaga) na kausap si Helena.

* * *

Sa Alakdana, hinimatay si Adana (Louise delos Reyes) nang maputol ang buntot at dadalhin sa ospital, kritikal ang lagay nito at kailangan ng big amount. Lalapit si Teresa (Jean Garcia) kay Vergel (Matt Mendoza) at ito ang sasagot sa hospital bills.

Makikita ni Zoila (Jobelle Salvador) na naputulan ng buntot ang golden alakdan, pero mabubuhay ito sabay nang paggaling ni Adana. Hahanapin ni Adana si Billy (Paulo Avelino), hindi nito alam na paalis na ang binata sa Amerika.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC