GALIT na galit na humarap si Willie Revillame sa televiewers sa Willing Willie noong Biyernes ng gabi at binatikos ang kanyang detractors, particularly ang mga kapwa niya artista na nakikisawsaw raw sa isyu at winawasak ang kanyang pagkatao sa Twitter.
Pinangalanan niya lahat, sa pangunguna ni Jim Paredez, Aiza Seguerra, Agot Isidro, Lea Salonga, My-lene Dizon, Bianca Gonzales, Tuesday Vargas, K Brosas at Leah Navarro.
Naging personal na siya sa kanyang statements laban sa mga ito. Hinamon niya si Aiza ng “magpaka-lalaki ka!”
Sinabihan din niya si Agot na wala namang anak kaya paano ito makaka-relate sa batang si Janjan (ang 6 year old na nag-macho dancing sa Willing Willie na pinagmulan ng isyu). Kesyo kasamahan pa naman daw niya si Tuesday sa TV5, pero tinitira rin siya nito. Lahat ay ti-nanong niya nang diretso kung ano ang nagawa ng mga ito sa sambayanang Filipino. Sinabi pa niya na idedemanda niya lahat ang mga ito dahil sa paninirang ginawa kanya sa Twitter.
Binanatan din niya ang advertisers na nag-pullout ng ads ng mga ito sa show tulad ng Procter & Gamble at Mang Inasal. Kesyo hindi raw siya hihingi ng tawad kasi wala naman siyang ginagawang masama at hindi niya minolestya si Janjan. Sa katunayan daw tinutulungan pa rin niya ang pa-milya ng bata hanggang nga-yon. Pinuri niya ang Unili-ver sa desisyon nito na mag-pull-out ng ads nito sa lahat ng live game shows at hindi lang sa Willing Willie para fair daw.
Dahil nag-pullout na ang kanyang advertisers, ipinaalam na niya sa televiewers na ma-wawala ang show niya for two weeks at babalik na lang ito after Holy Week. At ‘ýung suweldo raw niya mismo ang gagamiting papremyo sa audience para lang mag-tuluy-tuloy ang pagbi-bigay niya ng tulong at kasiyahan sa masang Pinoy.
* * *
NOW it can be told, ka-ya hindi natuloy si Toni Gonzaga sa pelikulang Pak! Pak! My Dr. Kwak! ay dahil sa schedule conflicts.
Nagsimula kasi ang shooting ng movie nu’ng panahon na maglo-launch ang Hapee Yipee Yehey na isang daily show kaya hindi na nakapaghintay ang Star Cinema sa availability ni Toni. She was replaced by Bea Alonzo pero, wala raw kinalaman si Vic Sotto sa desisyung ito.
Panay papuri lang ang sinabi ni Vic kay Bea.
“Magaling na artista si Bea. Puwede rin siya sa co-medy. Marunong siyang mag-react sa mga situations. Eh, ‘yun ang importante, may timing sa punch-lines,” pahayag ni Vic na tuwang-tuwa sa pagbabalik sa balwarte ng ABS-CBN.
Gumawa na siya dati ng movie sa Star Cinema years back with Dina Bonnevie kasama ang mga anak nilang sina Danica at Oyo Boy noong mga bata pa ang mga ito.
“It’s nice to be back and I will be back for more!”sabi pa niya.
Masaya rin niyang ibinalita na mage-guest siya sa ASAP at The Buzz. At si Bea naman ay lalabas sa Eat Bulaga para sa promo ng movie.
Ipinagtanggol niya ang laging pagsama nina Jose Manalo at Wally Bayola sa kanyang mga pelikula.
“Hindi naman sa naka-packaged deal sila sa akin. Kasi team players sila ka-ya kailangan ko sila. Hindi naman ako stand-up comedian. Isa akong situational comedian. Kaya kailangan ko ang ibang tao para sa pagpapatawa ko,” paliwanag niya.
Sinagot din niya kung bakit laging si Direk Tony Reyes ang nagdidirek ng lahat ng pelikula niya.
“Magaling kasi si Direk Tony at hindi siya tumitigil sa pag-iisip ng mga bagong gimik. Sanay na kami nang husto sa isa’t isa. Titingin lang ako sa kanya ay alam na niya ang gusto kong ga-win. So why rock the boat?”katwiran ni Vic.
Ipapalabas ang Pak! Pak! My Dr. Kwak! sa Black Sa-turday (April 23).
Every year ay naglalabas ang Star Cinema ng comedy movies tuwing Sabado de Gloria at lahat ay nagiging blockbusters.