Boy Abunda gots excellent grades, Masteral’s Degree at PWU


LAST week, personal ka-ming nakatanggap ng tawag mula sa king of talk na si Boy Abunda kesehodang kagagaling  lang namin sa kanyang Backroom office kung saan madalas kaming  nagpupunta para sa ilang mahahalagang gawain.

Dahil si Kuya Boy ‘yun,  go agad kami sa sina-bi niyang meeting place na-min.  Masayang ibinalita sa amin ni Boy ang kanyang  kasiyahang nadarama dahil natapos na niya ang kanyang Masteral Degree sa Philippine Women’s University kung saan take note... EXCELLENT lang  naman ang kanyang nakuhang grades.

Ganyan ang king of talk, hindi nakalilimot na unahin muna niyang babalitaan ang kanyang mga mahal at tunay na kaibigan bago ang iba. Pero, pagdating sa usaping showbiz, aamagin ka at hindi mapagsasalita si Boy.

Nabasa ng king of talk ang sinulat namin dito sa People’s Taliba at mariin niyang sinabi na: "Tama ka Charlie,walang masamang tinapay sa akin. Lahat, itinuturing kong kai-bigan. Masaya na ako sa kinalalagyan ko ngayon at gusto ko, lahat ay nagkakasundu-sundo."

Hindi na bago para sa amin ang ganoong litanya ni Boy, dahil totoong wala na-mang masamang tinapay sa kanya. Pero, ang bago ay ang litanya ng king of talk na hindi man niya ipaliwa-nag ay alam namin ang ibig niyang ipahiwatig, aniya: "Charlie, hindi ako maki-kipagkaibigan sa mga taong pagsisisihan ko habang buhay."

Sa puntong binitawan ni Boy, kilala niya kung si-no ang kanyang mga kaibi-gan at hindi. Basta para sa kanya, lahat ay pakikisamahan niya, hanggang doon lang. Ngumiti na lang kami nang at itinuloy na lang kung ano ang nakatalagang tra-baho namin sa kanya for 10 years na walang pagod.

Marami pa kaming na-pag-usapan ng king of talk at sa huli, sinabi niyang: "Tama ka, Charlie, respeto na lang sa amin ni Cristenelli. Diyos ko, 30 years kaming magkaibigan at ki-lala na namin  ang isa’t isa. Mahal ko si Cristenelli at one day, alam kong mag-kakausap din kami."

*  *  *

SPEAKING of reyna ng mga intriga na si Cristy Fermin, these fast few days ay ngarag na ngarag si Cristy sa dami ng kanyang trabaho sa TV5. Dahil magho-holy week kaya panay ang advance taping niya ng kanyang TV shows like Juicy Express, Star Confessions, Paparazzi at ang daily radio show nila ni Richard Pinlac na Cristy Ferminute sa News FM.

Nitong nakaraang Linggo, ilang araw ding namalagi si Cristy Fermin sa Fonta-na  resort sa Angeles City with co-hosts sa Paparazzi na sina Mo Twister, Ruffa G, Dolly Ann Carvajal kung saan dalawang episodes ng Paparazzi ang ginawa nila kaugnay ng one month long anniversary special ng Paparazzi.

Pabor naman sa queen of intrigues dito dahil uuwi this Holy Week si Cristy sa kanyang bayang sinilangan sa Nueva Ecija kung saan taun-taon ay nagsasagawa siya ng Summer Sports Festival.

Sa baryong kinalakihan ni Cristy sa Nueva Ecija, taun-taon siyang nagpapa-laro sa lahat ng mga kaba-taang  lalaki at babae, mga katandaang kalalakihan o ka-babaihan sa mga larong basketball, volleyball, etc.

Napag-alaman naming ang lahat ng partisipante ay binibigyan ni Cristy Fermin ng tumataginting  na P500.00 bawat isa. Ang mga mananalo naman ay may premyong P5,000.00, P3,000. 00, at  P2,000.00 at kung anu-ano pang mga pa-premyo mula sa puso ni Cristy. Namana raw ito ni Cristy sa ama na taun-taon, tuwing Miyerkules Santo hanggang Linggo de Ramos, ay nagpapalaro para pag-isahin ang mga kababaryo.

Kaya pagdating ng Mi-yerkules Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay, si Cristy Fermin, kasama ang kanyang pamilya and of course ang mahal kong si Tina Roa, ay nasa Nueva Ecija.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC