Iza unafraid of Marian

 

SIXTH team-up na nina Iza Calzado at Dingdong Dantes ang pagsasama nila sa I Heart You Pare! Kaya naman confident si Iza na hindi siya matutulad sa ibang naging leading ladies ni Dong na may isyu na inaaway ni Marian Rivera.

“Naku naman, ang dalas na naming magkapartner ni Dingdong. I’m sure, may kissing scenes din kami ni  Dong pero hindi na big deal ’yun sa akin kasi madalas na naming ginagawa ‘’yun,” nakangiting paliwang ni Iza.

Matatandaang naging partners sila ni Dong sa Engkantada, Moments of Love, Atlantika, Eternity at isang pelikula pa.  Ang kinatatakot lang ni Iza sa paglabas niya sa gay role, kung mapapantayan niya ang ginawa ni Regine Velasquez.

Nagawa man ni Iza sa SRO ang bading role, mahinhin ang pagka-gay niya doon. Dito sa I Heart You Pare, hysterical gay dahil comedy soap nga ito at kailangan na magpatawa siya ng  viewers.

Mabuti na lang at hindi siya kakanta dito, kungdi puro dance production lang na minamani lang niya sa Party Pilipinas at Eat Bulaga.

At dahil magiging busy siya sa I Heart You Pare, nagpaalam muna siya kay Mr. Tony Tuviera na hindi muna siya makakapag-host sa Eat Bulaga.  Pero pangako niya, sisipot siya kapag nagkaroon ng time. Kaya ngayon pa lang daw, mami-miss na ni Iza ang dabarkads niya sa  EB.

* * *

IBINALITA ni Dingdong Dantes na sisimulan na pala agad ang movie na pagsasamahan nila ni Lovi Poem under Reality Entertainment, na co-prod nila ni Dondon Monteverde, para sa pelikulang Aswang. First time na gagawa si Dingdong ng horror movie na action/adventure ang dating.

“Nagustuhan ko ang concept ng pelikula na ididirek ni Erik Matti. Kaya napapayag ako na co-prod kami. Si Lovi ang leading lady ko dahil bagay na bagay sa kanya ang role. Wala na kaming maisip na higit pang babagay sa iba, kundi kay Lovi lang.”

Bukod sa pakiki-co-prod kay Dondon, nag-uusap na rin sina Dingdong at Kris Aquino sa pagsososyohan nilang pelikula. Pumipili na raw sila ni Kris ng tamang project na gagawin pati na ng script.

Tungkol naman sa Aswang, ibang-iba ito sa project na ginawa ng Regal  noong 80s, na si Alma Moreno ang bida. Nakatakda kasi itong i-remake ni Glaiza de Castro at ang kanyang magiging partner ay si Dennis Trillo.

* * *

MAY big announcement na gagawin ngayong Linggo sa Party Pilipinas si Regine Velasquez.

Pero marami na ang humuhula na ito na ang pag-a-announce ni Regine na buntis na siya. Usap-usapan din sa set ng I Heart You Pare na  ang pagkawala niya sa show ay katuparan ng matagal nang dream ng Songbird.

Kahit hindi pa tukuyin ng aming source na nagsabi nito, hula na entertainment writers ang iaanunsiyo ni Regine ay ang kanyang pagbubuntis.

Tuloy, komento ng reporters na nandoon, matagal nang isyu ang migraine ni Regine.

Noon pang ginagawa niya ang Kim Sam Soon, isyu na ’yan kay Regine. Pero ngayon, nag-quit na talaga siya at agad-agad na ipinalit si Iza Calzado, na magsisimulang mapanood this Monday.

* * *

IBANG episode ng  Show Me Da Manny ang mapapanood nga-yong Sunday dahil kumpleto ang cast. Andoon si Manny Pacquiao dahil nakapag-taping pa ito bago umalis patungong America para sa laban niya kay Mosley.

As usual, maraming pakulo si Marian Rivera na humuhusay na komedyana. Sabi pa nga, ang dapat daw sanang ipinalit kay Regine sa I Heart You Pare ay si Marian kasi pareho silang kikay sa set.

Hindi naman daw puwede si Marian dahil naghahanda ito para sa Amaya at nagsu-shooting ng Temptation Island sa Ilocos Norte.

* * *

FIRST time magbabakasyon-grande ang pamilya ni Pepito Manaloto (Michael V) sa  Plantation Bay sa Cebu. Bongga ang vacation hotel kaya bongga rin ang mga kasama nila sa hotel. Dito mami-meet ng pamilya ni Pepito ang mayabang na mag-asawang  sina Michael Floren at Gladys Guevarra. Tipong hindi naman talaga mayaman, umaastang mayaman lang, kaya abangan ang Pepito Manaloto, this Sunday, sa GMA7.

* * *

PAGKATAPOS ng Pepito Manaloto mag-enjoy naman sa panonood ng infotainment na Kap’s Amazing Stories hosted by Sen. Bong Revilla. Topic ni Sen. Bong this Sunday ang tungkol sa mga kagila-gilalas na mga hayop sa lupa.

* * *

PATULOY pa rin ang pagsubaybay ng televiewers sa top-rating bagets show ng GMA7 na Tween Hearts.

Ilang beses nang na-extend ang show na dati ay hanggang April na lang. Pero balita namin, tatagal pa ito hanggang October o extended pa.  May mga bagong mukha kasing ipapasok sa teen show tulad ni Hero Magalona, na hit agad sa viewers.

This Sunday, tampok sa istorya ang pagpunta ng tween barkada sa Pagsanjan Falls para sa exciting experience na shooting the rapids.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC