Maaari na namang madungisan ang pangalan ng pulisya dahil sa pananakit ng isang pulis sa isang 39-taong-gulang na konduktor ng bus kahapon sa kahabaan ng East Avenue, Quezon City.
Nagpakilalang pulis si Marlon Lazaga, residente ng Sampaloc, Manila, kay Angel dela Cruz, residente ng Pangarap Village, Caloocan City. Pinaghinalaan ng suspek ang konduktor na nagnakaw ng kanyang mga nawawalang gamit.
Ilang minuto lamang matapos bumaba ang suspek sa bus, sakay ng isang taxi, pinilit nitong harangin ang bus sa harap ng opisina ng Land Transportation Office sa Bgy. Pinyahan, Quezon City.
Kwento ni Dela Cruz, pag-akyat sa bus, kumapit ang galit na suspek sa hawakan ng pintuan at agad siyang tinadyakan sa bandang dibdib, na nagpatalsik sa kanya hanggang bintana.
Laking pasalamat ng biktima at hindi nabasag ang salamin ng bus na maaaring magdulot ng mga sugat sa kanyang katawan.
Sina PO3 Marcelo Lacdao at Pfc. Frederick de Vera ang nagbabantay sa suspek ng makatakas ito.
“Ang ipinagtataka ko, bakit nakatakas ang suspek kahit dalawa ang nakabantay sa kanyang pulis,” hinanakit ni Jasmine, asawa ng biktima.
Ayon kay PO3 Venirando Trago, pinaghihinalaang peke ang police I.D. ng suspek kaya kasalukuyang itong sinisiyasat ng Director for Personnel and Record’s Management sa Camp Crame.
Ayon naman kay Dela Cruz, hindi nila pagtatakpan ang pagkakamali ng isang pulis dahil kasiraan ito sa kanila.
Dinala ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center upang magpatingin kung nagtamo siya ng bali.
Samantala, ayon sa medical records ng suspek, nasa ilalim ito ng impluwensya ng alak nang mangyari ang pananakit.
Nagsampa ng kasong physical injuries sa Police Station 10 ang konduktor ng JFT Liner.
Mery Rose Ajero and Kathryn Tubadeza