Biyahe ng LRT balik normal


INIHAYAG kahapon ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagbabalik ng regular na operasyon ng tren sa Balintawak at Roosvelt stations sa lungsod Briton, 3 others nabbed in Laguna pot sessionng Quezon mula sa Baclaran Station, Parañaque City sa darating na Abril.

Napag-alaman kay LRTA Administrator Rafael S. Rodriguez, na ang dalawang istasyon ay handa na para ipagpatuloy ang nahintong serbisyo nito sa publiko matapos ang halos dalawang buwan nang sumailalim ito sa operational procedures at safety requirements.

“We allotted ample time for the refresher and retraining of all train operators in LRT Line 1, and reorientation on safety driving policy to keep them from figuring in rail-related accidents,” ani Rodriguez.

Nais umano ni Rodriguez na matiyak na ang kanilang driver ay maihahatid nang maayos ang mga pasahero sa kanilang patutunguhan matapos sumailalim ang makina sa functional testing, safety inspection at re-evaluation nitong nakaraang February 8, dahil sa naganap na aksidente sa Roosevelt Station.

Sa ipinalabas na derektiba ni Rodriguez, ang management ay naglabas ng karagdagang safety measures upang hindi na maulit ang nangyaring aksidente sa Roosevelt Station.

Nilinaw ni Rodriguez na naayos na umano nila ang virtual switch para sa panibagong safety mechanism habang nasa operasyon ang tren at pagpapalit ng kanilang train inspectors at dispatchers na tumitingin sa galaw ng tren mula sa Monumento, Caloocan City hanggang sa Roosevelt Station.

Ang dalawang station ay bahagi ng North Extension Project na nag-uugnay sa LRT-1 at MRT-3 patungo sa kanilang common station.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC