Brapanese hunk sets his eyes on Lovi

 

Launching ng My Heart’s Journey album ni Kris Aquino ngayon under Universal Records. Last Sunday ang TV launch ng album na sinundan ng meet & greet sa GB5 at kabilang sa guest ay si Christian Bautista na kumanta ng Love Moves (In A Mysterious Way) na sa ganda ng pagkakanta, sabi ni Kris “new crush” niya ito.

Nangako si Kris na magugustuhan nang mga bibili ng My Heart’s Journey ang album na pang-emote and “for all those who have loved and lost and will love again. Parang like me and u,” sabi nito.

Malalaman natin kay Kris kung totoong nagbatian sila ni Phillip Salvador nang magkita sa Teatrino sa 8th Golden Screen Awards at kung totoong sinundo siya ni Diether Ocampo after the awards night.

Samantala, lumalabas na ang TVC ng Safeguard endorsement nina Kris at Baby James at pinasalamatan ng TV host-actress ang P&G sa pagkuha sa kanilang mag-ina na i-endorse ang number one soap sa buong bansa.

Aalis ang mag-ina kasama si Josh sa Holy Week para sa kanilang Mexican cruise at birthday na rin ni Baby James sa April 16. Baril-barilan pa rin ang isa sa ireregalo ni Kris sa anak dahil sabi raw ni Boy Abunda, matuwa siya na sa baril-barilan nahihilig ang anak. 

* * *

Nagpahayag ng paghanga si Fabio Ide kay Lovi Poe, in fact, kinuha nito ang number ng aktres, hindi lang namin alam kung natawagan na niya ito. Tingnan natin kung mapanindigan ni Lovi ang sinabi na focus muna siya sa kanyang career after her breakup with Ronald Singson ’pag niligawan siya ni Fabio.

“I don’t know” ang sagot ni Lovi when asked kung may chance sa kanya si Fabio na ang description sa aktres ay “maganda, matalino” at gusto niya ang life style nito, pati na siguro ang kaseksihan.

Ang alam namin, Filipina at beauty queen ang last GF ni Fabio at ilang years ding nagtagal ang relasyon nila. Si Lovi na kaya ang maging next GF ng Brapanese hunk?

* * *                                                                                                                       

’Katuwa ang “hindi na ako starlet” na dialogue ni John Lapus nang manalong Best Performance by an Actor in a Leading Role -- Musical or Comedy for Here Comes the Bride. Wala sa awards night si Sweet, nasa Boracay kaya si Kris Aquino ang tumanggap ng kanyang award.

Sa Showbiz Central nagpasalamat si Sweet sa lahat na sumusuporta sa kanya. First acting award niya ito at timing dahil 18 years na siya sa showbis at isi-celebrate with a concert sa Music Museum sa May 14 billed Sweet at 18 with guests Dennis Trillo, Julie San Jose and Vice Ganda to be directed by Phillip Lazaro.

Nag-guest ang youngstars ng Tween Hearts na sina Jake Vargas, Derrick Monasterio at Kristoffer Martin na tinilian ng fans. Up to June ang extension ng Tween Hearts, kaya may mga bagong madadagdag sa cast.

Guests din ang hosts ng Starbox na sina Ali Sotto, Papa Jack at sina MM at MJ Magno. Maganda ang sinabi ni Ali na sa halip na isipin ang wala sa buhay niya, binibilang niya ang kanyang blessings. Positivity!

* * *

Sabi ni Ehra Madrigal, hindi lang daw nahalata ng viewers, pero tuwang-tuwa siya sa mga eksena na balak niyang halayin si Tonette (Regine Velas-quez) sa I Heart You Pare. Tawanan daw sila ni Songbird at dahil komportable siya, nagawa niya ng tama ang mga eksena. Aliw din siya sa twist ng story na mag-aayos bading siya.

Mamaya sa I Heart You Pare, tutok si Chito (Mark Fernandez) sa pagbabantay kay Tonette (Regine Velasquez) at holding  hands pa ang dalawa, kaya apektado si Kenneth (Dingdong Dantes). In love ang tao sa Club Love dahil si Polly (Via Antonio) type si Vodka (Paolo Balles-teros) at si Mandy (Ehra) ay obsessed kay Kenneth.

* * *

Sa Alakdana, sasamahan ni Joma (Alden Richards) si Adana (Louise delos Reyes) na puntahan si Billy (Paulo Avelino) sa bahay nito, pero nasa airport na ang binata paalis for the US, hahabulin siya ni Adana sa airport.

Nagalit si Zoila (Jobelle Salvador) sa nalamang si Vergel (Matt Mendoza) ang nagbayad ng hospital bills ni Adana. Sasabihin ni Vergel na hindi niya malalayuan ang anak. Hindi alam ni Zoila na unti-unting nahuhulog ang loob ni Vergel kay Teresa (Jean Garcia) at hihingi pa ng tawad sa mga nagawa niya.

* * *

Sa Babaeng Hampaslupa, confrontation nina Charles (Jay Manalo) at Harry (Wendell Ramos) at maglalabas ng baril ang huli. Paiimbistigahan ni Helena (Susan Roces) si Edward sa pagkamatay ni Janet.

Sinaktan ni Elizabeth (Karel Marquez) si Grace (Alex Gonzaga) nang masira ng huli ang gift ni Anastacia (Alice Dixson). Pinayuhan ni Edward si Nato (Alwyn Uytingco). Mari-reveal na nagtatrabaho kay Helena si Margaret.

* * *

Sa Captain Barbell, hahabulin ni Captain Barbell si Ricky alias Kidlat (Ervic Vijandre) nakatakas dahil mabilis. Dadalhin ni Ricky ang mga ninakaw sa GF at aalis sila, mababalitaan ni Gregor (TJ Trinidad) ang tungkol kay Kidlat.

Nahihirapan si Lelay (Jillian Ward) sa assignment niyang gumawa ng family tree. Ilalagay nitong ama si Teng, pero sasabihin ng tita niyang hindi nila kadugo si Teng at wala siyang ama.

Makikpagtulungan si Captain Barbell kina Sen. Villanueva at Gen. Armando (Eddie Gutierrez) para mahuli si Kidlat. Mahuhuli nila ito dahil sa inihandang patibong, pero ’di pahuhuli si Cherry, mang-aagaw ng baril at iho-hostage ang may-ari ng baril.

* * *

Sa Magic Palayok, isasama ni Kardo (Polo Ravales) si Cookie (Angeli Sanoy) sa bahay nila, pero kung mabait si Kardo, masungit ang asawa nitong si Glenda. Nalaman ni Pilar (Carla Abellana) na kinuha si Cookie nang nagpakilalang ama.

Napalo ni Glenda si Cookie nang silipin ang silid na may batang umiiyak. Makikita ni Cookie ang bata, magkakagulatan ang dalawa. Patuloy namang inerereto si Jude (Geoff Eigenmann) ng lolo niya kay Pilar.



Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC