HINDI na umano nagkakakain at umiinom si Cong. Gloria Macapagal-Arroyo mula nang ’di siya makalipad papuntang Singapore noong Nobyembre 15. Ito ay inihayag ni Dr. Juliet Gopez-Cervantes, ang tumitingin sa dating presidente na naka-hospital arrest ngayon.
Ayon sa isang radio report, bagama’t hindi nakamamatay ang sakit ni Arroyo, maaaring bumigay ang butong tumutubo sa spine nito dahil sa patuloy na panghihina nito bunsod ng ’di pagkain at pag-inom.
Dehydrated na rin ang dating pangulo at mataas ang alta presyon.
Tonight wire monitoring team