READY na si Judy Ann Santos na sundan ang bunso nilang si Baby Lucho na nag-one-year-old na noong nakaraang buwan.
“Okay lang naman kasi magti-34 na ako sa birthday ko (next year), so, kung anu’t anuman, kung mabuntis man ako, bakit naman hindi? Blessing ’yan,” say ni Juday.
"’Pag nag-35 ako, ’pag nabuntis ako, baka mahirapan na ako. So, dumating man siya ngayon or ’pag 35 ako, bonggang-bongga, prepared ako sa kanya,” dagdag pa niya.
Ilan pa ba ang balak niya?
“Tama na muna ang isa,” natatawa niyang say, “kung magkaroon ng isa, baka hanggang doon na muna.
“Kasi ’yung reyalidad na ang hirap magpalaki ng mga bata, ang hirap lalo na sa trabaho namin na hindi naman parating nandito kami, lalo na ’pag nabuntis ka, wala ka naman ding trabaho, ’pag mataba ka, wala ka ring trabaho, ’pag payat ka, adik ka, ’yung wala ka namang lulugaran?
“So, maging masaya ka na lang kung nasaan ka, ’di ba? Kung sakali-sakali, kung basta kaya ng bulsa, sige.”
Sa ngayon, naglalakad-lakad na raw si Lucho at super kulit na. Ngayong Pasko, medyo mae-experience na raw ng bata ang saya ng okasyon since last Christmas, baby pa ito talaga at wala pang muwang.
Ngayon, matutuwa na raw ito sa Christmas tree at sa Pasko, dito lang sila dahil may entry silang mag-asawa sa filmfest, ang House Husband.
Asked kung ano ang next tv project niya kapag natapos ang Junior Masterchef Pinoy Edition, ani Juday, pinag-uusapan pa nila ito ng ABS-CBN management.
"I'm still having talks with ABS-CBN about a new show and most probably, magku-concentrate ako sa Junior MasterChef ’pag may Season 2 and an adult version as well.
"For sure, nandu’n ang aking atensyon dahil mahal na mahal ko ang show na ito. Sa ibang shows sa ABS-CBN, hindi ko pa alam,” say ni Juday.
* * *
Happy si Lloyd Samartino na napasama siya sa TV remake ng P.S. I Love You ng TV5 dahil ngayon lang daw niya makakatrabaho si Gabby Concepcion sa loob ng mahabang taong naging artista sila at magkasabayan during the ’80s.
Lloyd is playing Dina Bonevie’s husband in the series, pero shortlived ang role niya dahil two weeks lang daw ito.
“Actually, when they called me, it was just really for three days. Tapos, siguro, dahil nakita nila ang chemistry namin ni Dina, humaba ng two weeks,” kuwento ni Lloyd.
Nanghihinayang nga raw siya na first time nga nilang magkasama ni Gabo and yet, isang maliit na scene lang ang ginawa nila together.
“Sabi ko nga sa scriptwriter, sana binusisi na nila. But who knows, maybe for future work,” he said.
Sa tinatagal-tagal nga raw niyang artista, halos nakasama na niya lahat, pero ang isang hindi pa niya nakakatrabaho ay si Sharon Cuneta at sana nga raw, mabigyan siya ng chance na makatrabaho ito soon.
Si Dina naman, nakasama na raw niya noon sa Anak the original version at ang laki raw ng ipinagbago ng aktres.
“I was telling her nga, Dins, ang sarap mong kasama ngayon, hindi ka na maarte. Nag-grow-up na tayo. Kasi noong una ko siyang kasama sa Anak, Diyos ko, ang sungit niya!” natatawa pang kuwento ni Lloyd.
Samantala, sa kanyang lovelife, as we all know, biyudo na si Lloyd ngayon dahil kamamatay lang ng asawa niyang si Jo Ramos, anak ni dating Presidente Fidel V. Ramos.
Pero bago pa man yumao ang asawa, matagal na silang hiwalay kaya matagal-tagal na rin daw siyang single and up to now, hindi pa naiisipang mag-asawang muli.
It will be recalled that Jo’s death came as a shock to everyone dahil wala namang nakakaalam na may cancer pala siya.
Ayon kay Lloyd, siya rin, hindi alam na ganu’n na pala kalala ang sakit nito.
“Very secretive kasi ang wife ko, eh. I think, tinago niya rin sa anak ko, eh. So, nagulat talaga lahat.
“Even my in-laws were shocked. We were all so shocked. Actually, they only found out how serious it was, 10 days before she died. Kasi she really kept it quiet and nagki-chemo yata siya nang tahimik.”
Siya raw, nalaman lang niya a week before ito yumao at nabisita pa niya sa hospital, pero mahina na ito at laging tulog kaya hindi na nakausap.
Ang nag-iisa nilang anak na si Sergio, now 17, is having a hard time accepting everything.
Nag-aaral daw ito ngayon at nasa in-laws niya.
Gusto raw nitong mag-aral ng music at ani Lloyd, kung anuman ang gusto nito, okay sa kanya.