Fellow 'Survivor' castaways can't stand Ma. Isabel Lopez


Nagulat kami sa reaction ng ilang castaways ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Challenge dahil hate na hate nila ang mag-inang Maria Isabel Lopez at Mara Yohohama.

Ayon kay Alyssa Alano, puwede lang daw mawala ang tampo niya kay Ma. Isabel kung magso-sorry ito sa kanya at sa iba pang castaway na pinagsabihan ng mga hindi magagandang pananalita ni Isabel. Ayaw nang ikuwento ni Alyssa kung ano ang sinabi sa kanila ni Isabel dahil bawal sa silang magkuwento kung ano ang nangyari sa kanila sa San Vicente, Palawan.

Hindi naman nagsisisi si Alyssa, na halatang pumayat dahil sa mga mahihirap na challenges na ginawa nila sa Palawan.

“Sumali ako sa Survivor dahil gusto ko at kung mananalo ako, malaking tulong sa akin. Mababayaran ko na ang bahay sa Antipolo na five years ko nang binabayaran. Two years na lang, bayad na ako. ’Yung bahay ko sa Tarlac, ibinigay ko sa aking magulang at kapatid na bunso. Itong bahay sa Antipolo ay para sa akin naman,” tsika sa amin ni Alyssa.

Matapang si Alyssa kaya hindi niya ininda ang challenges sa Survivor Philippines.

Mas nasaktan pa raw siya sa mga masasakit na salitang ibinintang sa kanya ng kasamang castaway.

Anyway, unang-unang ginawa ni Alyssa pagkatapos ng Survivor, kumain nang kumain at naligo para linisin ang katawan na nagkasugat-sugat na, umitim pa.

“Natutunan ko sa pagsali sa Survivor Philippines kung paano pahalagahan ang mga maliliit na bagay. Ang hirap magutom na walang makain. Dusa ang sinapit namin sa Palawan. Wala ka nang makain. Kulang ka pa sa tulog,” kuwento pa nito.

* * *

Kung si Alyssa, may tampo lang kay Isabel Lopez, si Aifha Medina na dating Sexbomb dancer at ka-tandem ni Alyssa sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown,  galit naman ang nadama sa former beauty queen.

“Hindi ko alam kung bakit binibigyan niya (Isabel) ng malisya ang pagiging malambing at magiliw ko sa mga kasama naming castaways. Pare-pareho lang naman ang pakikitungo ko sa lahat. Nasa kanila na ’yung kung bibigyan nila ng ibang kahulugan, basta ako nagpakatotoo lang.

“Alam ng boyfriend ko ang mga nangyayari sa akin sa Palawan.Ikinukuwento ko sa kanya at naintindihan naman niya. Sumali ako sa contest dahil gusto kong patunayan na kaya ko rin ang ginawa ng dati ko rin kasama sa Sexbomb.

“Paglabas ko nga, payat na payat ako. Sinasabihan ako ng pangit dahil sa sobrang payat. Kumain ako nang kumain paglabas ko. Talagang ’yung kain na parang walang katapusan, Hahaha!

“Mas tumapang ako at naging matatag matapos ang mga naranasan kong hirap sa Palawan. Lahat kami ay natutong pahalagahan ang mga maliliit na bagay. Mahirap magutom na wala kang makain. Grabe. Masuwerte tayo at may nakakain tayo.  May bahay na masisilungan at may pagkain na makakain,” say ni Aifha.

At hindi lang daw niya matanggap, ang paratangan na nilalandi ang male castaways at ayaw niyang magpaka-plastic.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC