‘Occupy the 1% Movement’


This coming week, another round of oil price increase would be slapped on the Filipino people’s faces as the Christmas holiday season  craze starts to heat up.

“Kailangang maitatag na rin sa ‘Piinas ang Occupy the 1% Movement para tumigil na ang 99% na mayayaman mula sa ibang bansa at dito rin sa bansa natin sa paghahari sa ating kabuhayan. Sila ang nagdidikta ng takbo ng buhay natin kaya 99%  ang naghihirap sa bansa at sa buong mundo,” sabi ni Nonong na isang kababata ko.

“Tumanda na tayo, ‘yang 99% na mga mayayaman na ‘yan ang naghahari pa rin sa ating buhay. Marami nang Pilipino ang nawalan ng pag-asa na makaangat sa buhay nila mula sa matinding paghihirap,” dugtong ni Rey na isa ko pang kababata.

Sabi ni Nonong, “ kaya ang mga Pinoy ngayon, kundi pumapasok sa mga iligal na gawain, nag-a-abroad na lang. ‘Yung mga iligal eh hindi yong mga  malakihang smuggling ha. ‘Yung pinapasok nang mahihirap eh ‘yung pang-aagaw ng bag, cellphone atbp. ‘Ika nga eh, maliitan lang para may maiuwing pagkain sa pamilya nila. Hindi tulad ng naghaharing 99% sa ‘Pinas na malalaking negosyo, gusali, lupain, ang pag-aari. ‘Yung iba naman ‘kala mo matino ang negosyo kaya maraming mamahaling bahay at sasakyan, yun pala, sangkot sa smuggling, gambling lord, drug lord!”

“Magugulat ka naman talaga kung bakit sa tindi na hirap ng buhay ngayon, makakakita ka pa ng mga imported na mga kotse sa EDSA at iba pang kalsada. Ang nakaiinis pa talagang ipinagmamayabang pa ng mga nagmamaneho nito ang pagiging mahal ng kotse nila sa pagpapaharutot sa mga mamahalin nilang sasakyan habang dinadaanan ang mga batang namamalimos sa kalsada..” dugtong ni Nestor na isang nakatatanda sa amin na  kalugar namin na mahilig maglalakad sa Maynila at ibang lugar para mag-ehersisyo o walking na tinatawag.

Ang napipinto na namang pagtaas ng presyo ng diesel at gasoline at patuloy na pagbabale-wala ng pamahalaan sa mga renewable source of energy  para gamitin n gating bansa ay isang halimbawa ng kawalang malasakit sa buhay ng mga Pilipinong mahihirap at kalagayan ng bansa sa kabuuan.

Alam na nating may domino effect ang palagiang pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel. Pagtaas nito, taas lahat ng bilihin, bigas, gulay, isda karne, matrikula, kuryente, tubig, gamot at marami pang iba.

Ang presyo ng mga produkto ng langis ang nagpapahirap sa isang porsyentong mahihirap na ay lalo pang humihirap. Sino ang may-ari ng mga kumpanya ng langis na krudo na ginagawang gasolina’t diesel? Hindi ba’t kabilang sila sa 99% na mayayaman sa buong mundo?

Matagal nang simbolo ang triangle o tatsulok sa paghahari ng 99%. Ang itaas ng tatsulok ang kinalalagyan ng 1%. At ang nasa gitna at ibabang bahagi ng tatsulok ay ang mga mahihirap na inaapi.

Noon ay sinasabi pang sampung porsyento ang nasa ituktok ng tatsulok ang naghahari sa ating bansa, Ngunit ngayon, ay isang porsyento na lang ang may hawak ng kapangyarihan at kabuhayan ‘di lang sa bansa natin kundi maging sa buong mundo.

Kaya maraming naglalayon na baligtarin ang posisyon ng tatsulok at gawing nasa ibaba ang isang porsyento at ang 99 porsyento ang nasa itaas.

Ibig sabihi’y dapat ang nakararaming mamamayang Pilipino at mamamayan ng buong mundo ang siyang humawak ng kabuhayan at kapangyarihan at hindi ng isang porsyento lamang. -- This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC