YUMAO na ang batikang director na si Boots Plata noong Nov. 2 sa edad na 68.
Kuwento ng pamilya ni Direk Boots, bandang 12:42 ng tanghali nang yumao ang direktor.
Dahil sa habilin na rin ng director, ipina-cremate agad si Direk Boots ng asawang si Dolor Guevarra.
After ma-cremate, nagkaroon ng Banal na Misa na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan ni Direk Boots.
Namataan namin sa report ng Unang Hirit sina Susan Roces, anak nitong si MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzares at iba pang artista ng Regal Films.
Memorable si Direk Boots noon sa sunud-sunod na pelikula nina Judy Ann Santos at Wowee de Guzman, tulad ng Sa-na Naman at Kung Alam Mo Lang. Noong 1999, gumawa si Direk Boots ng movie with Da King Fernando Poe Jr, na ang partner nito ay si Judy Ann.
Kumplikasyon sa diabetes ang ikinamatay ni Direk Boots.
Nang dalhin sa ospital, nag-seizure ito at doon na binawian ng buhay.
Nagsimula na ang siyam na araw na pa-misa para kay Direk Boots kahapon na magtatapos sa Nov.10 sa Vera Perez Residence ma-lapit sa Regal Films compound.
* * *
MASAYA si Mother Lily Monteverde sa natanggap na first day total gross ng latest niyang movie na Aswang, starring Lovi Poe, Paulo Avelino, Jillian Ward, Albie Casino, Joem Bascon, Marc Abaya at Nina Jose.
Balita kasing naka-P6.5 milyon ang first day total gross sa buong Pilipinas ng naturang pelikula.
Magandang balita ito para kay Lovi, na ngayon lang nagkaroon ng first solo movie.
Patunay na kaya nang magdala ng solo movie ni Lovi.
Hindi naman ito nakapagtataka dahil bukod sa anak siya ni FPJ, award-winning actress na siya bago pa pumasok sa mainstream movie.
Last year, nakatanggap siya ng Best Actress trophy mula sa Cinemalaya Festival sa CCP para sa indie film na Mayohan.
Sa Aswang, ipinakita ni Lovi ang galing niya sa drama at effective siyang manakot, huh!
Siyempre, isa sa inaba-ngan ng moviegoers ang napabalitang daring and torrid love scenes nina Lovi at Paulo.