Ampatuan, hinamon ng prosekusyon


HINAMON ni Maguindanao Massacre case prosecutor Nestor Lazaro si dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na maghain ng formal affidavit sa korte para malaman kung papasok ito sa Witness Protection Program (WPP).

Kasunod ito ng pahayag ni Ampatuan na handa siyang makipagtulungan sa imbestigasyon at maging witness.

Ayon kay Lazaro, tanging sa media lamang ibinubunyag ng dating gobernador ang lahat ng nalalaman nito sa krimen.

Sinabi pa ni Lazaro na kailangan nila ang formal affidavit ng dating gobernador para mapag-aralan ng prosecutor kung papasa o hindi bilang state witness si Ampatuan na isa sa mga pangunahing suspek sa Maguindanao Massacre case.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC