Kinumpirma ni Pia Guanio sa Showbiz Central na ikinasal na siya kay Steve Mago last October 1 sa isang Christian ceremony sa garden ng kanyang in-laws sa Alabang. Ilang weeks lang daw ang preparations ng wedding na sabi ni Pia ay “very solemn, very meaningful at heartfelt” at dinaluhan ng 30 visitors.
Sa friends ni Pia na nagtampo dahil hindi naimbita, sabi ni Pia, “don’t feel bad, magkakaroon tayo ng susunod pa.” Ito na yata ang church wedding na baka hindi na sa Italy dahil sa sister-in-law niyang manganganak.
May follow-up report ang Showbiz Central sa pagkahuli ni Starstruck Avenger Vivo Ouano sa isang drug buy-bust operation. Itinanggi ito ng kanyang lawyer, nasa bahay lang daw ang actor ng kaibigan niya noon para mag-workout.
Nauna nang nag-text si Vivo sa 24 Oras na hindi totoo ang akusasyon sa kanya. Ibig sabihin nito, hindi totoong castaway ng season 4 ng Survivor Philippines si Vivo.
* * *
Busy ang Tuesday ni Ogie Alcasid dahil bukod sa OPM Job Fair sa Quezon Memorial Circle na whole day affair, may presscon pa siya ng Daldalita sa gabi. Siya ang gumaganap na ama ni Jillian Ward na Daddy Ogie na ang tawag sa kanya.
Sa Oct. 17, ang pilot ng Daldalita kung saan, kasama sina Manilyn Reynes, Isabel Oli, Rufa Mae Quinto at may special participation si Donna Cruz. Si Don Michael Perez ang director ng soap na papalit sa Futbolilits.
Samantala, over 300 performers ang mapapanood sa OPM Fair kabilang sina Jaya, Christian Bautista, Sitti, Rivermaya, Jessa Zaragoza, Jim Paredes, Noel Cabangon, Up Dharma Down, Sam Concepcion, Karylle, Erik Santos, Sponge Cola, Color It Red, Dingdong Avanzado, na in-charge sa project, at marami pang iba.
* * *
Sobrang saya ni Sarah Lahbati sa birthday gift ng GMA-7 sa kanya at ito’y ang lead role sa remake ng Kokak. Sa interview sa dalaga, naikuwento ni Sarah na napatalon at napasigaw siya sa tuwa nang malamang bida na siya at agad ibinalita sa ina na hindi rin makapaniwala noong una.
Aalisin nga lang si Sarah sa Time of My Life para sa Kokak na this week na sisimulan ni Direk Ricky Davao ang taping. Leading men ni Sarah sina TJ Trinidad at JC Tiuseco at nasa cast din sina Jessa Zaragoza, Frencheska Farr at Gary Estrada.
Dapat sa Legacy kasama si TJ at ngayon ay nasa Kokak na. Hindi kaya pinul-out ni Annabelle Rama si TJ dahil kay Heart Evangelista na nasa Legacy din?
* * *
Kompleto na ang Top 10 sa Protégé: The Battle for the Big Break sa pagpasok nina Samantha Felizco na protégé ni Joey Generoso, So What? na protégé ni Rey Valera at Denise Barbacena na protégé ni Gloc9.
Nauna nang pumasok sa Top 10 sina Kenneth Monico, Lirah Bermudez, Nomer Limatog Jr., Jensen Reynoso, Krizza Neri, Rosalyn Navarro at Lovely Embuscado. Sila ang protégés nina Jay-R, Janno Gibbs, Rachelle Ann Go, Claire dela Fuente, Aiza Seguerra, Imelda Papin at Jaya, respectively.
Sa Sunday, October 16, ang Live Gala performance ng Top Proteges sa Center Stage ng SM Mall of Asia. Hosts sina Ogie Alcasid at Dingdong Dantes.
* * *
Isyung favoritism ng mga anak sa Arguelles family ang episode na “Laki sa Layas” this Tuesday sa Personalan. Si Lester ay favorite ni Nanay Girlie, binugbog at pinalayas ni Tatay Victor. Si Jury na favorite ni Tatay Victor, pinalayas naman ng ina.
Nagkaka-initan ang mag-asawa dahil sa magkaiba nilang trato sa mga anak at sa muli nilang paghaharap, magkasundo pa ba ang dalawang factions ng kanilang family?
Samahan si Personalan host Ali Sotto at gabay ng buhay na si Sam Mendoza, 5 p.m., mamaya sa GMA News TV Channel 11.
* * *
Sa Pahiram ng Isang Ina, hindi makapaniwala si Luke (Jake Vargas) sa paratang ni Emily (Carmina Villarroel) sa amang si Johnny (Antonio Aquitania) at hiniling sa ina-inahan na bigyan ng isa pang chance ang ama.
Nalaman ni Johnny na sa bagong testament ni Emily, inalisan siya ng mana at sa sobrang galit, itutuloy ang planong ipapatay ito. Katapusan na ba ng inang minamahal nina Luke, Andoy (Martin delos Santos) at Berna (Bea Binene)?