Ang pagbibitiw ni Merci at ang kinabukasan ng administrasyon ni PNoy

 

All or nothing!!!  Panalo o talo!!!

 

At ito lamang ang mangyayari kay PNoy. Mananalo o matatalo siya sa ginawa nilang pagpwersa na matanggal si Merci sa pwesto.

 

Ipaliwanag natin.

 

Nahalal si PNoy sa pinakamataas na puwesto sa bansa sa pamamagitan ng anti-corruption battle cry – “Kung Walang Corrupt Walang Mahirap.” Pinasimple niya ang solusyon sa kahirapan ng bansa sa pamamagitan ng pagsupil sa korupsyon. Pero tila iba ang kinakanta ng mga kasama niya sa Kongreso. Over-population ang sinisisi nila na ugat ng kahirapan. Pero ibang kwento na iyon.

 

Ang isa niyang solusyon sa kahirapan ay ang pagtanggal sa posisyon kay Ombudswoman Merci Guttierez. Ayon kay PNoy, protektado ni Merci ang mga suspected corrupt officials ng dating Pangulong Arroyo kasama na ang dating first gentleman Atty. Mike Arroyo. Si Merci ang ipinagpapalagay na malaking hadlang sa dagliang prosekusyon ng mga korup na opisyales na malapit sa nakaraang rehimen.

 

Sinikap ni PNoy na mapa-impeached si Merci. Pumasa ito sa Kongreso at muntik ng magsimula ang pagdinig sa Senado. Nakahanda na ang mga toga ng mga Senador na tatayong hurado sa inihandang paglalantad ng prosekusyon ng lahat ng mga korupsyon na kinasangkutan ng dating pangulo at ngayon ay congresswoman ng Pampanga Gloria Macapagal Arroyo.

 

Sa kasamaang-palad, naunahan sila ng resignation ni Merci sa kanyang posisyon bilang Ombudswoman ilang araw bago magsimula ang sana’y isa na namang “circus” na aabangan ng sambayanan.

 

Bakit natin sinabing ang pangyayaring ito ay panalo o talo para kay PNoy?

 

Ngayon, umaasa ang mga tao ng isang panibagong ombudsman na dagling mag-iimbestiga at magsasampa ng kaso sa mga opisyal ng nakaraang administrasyon. Pero sinasabi naman ng mga taga-suporta ni PNoy na  “every suspect will be treated fairly by the new ombudsman.”

 

Sa mga nagdaang araw, ang mga punong opisyal ni PNoy ay sinampahan ng kaso sa Ombudsman. Titingnan ng mga tao kung gaano kabilis tatakbo ang imbestigasyon. Ito ba ay magiging “last-in-last-out” na procedure kung saan ang pinaka-latest na kaso ay ang pinaka-huling diringgin. O ang magiging batayan ay kung sino ang mga personalities na kasangkot?

 

Unahin ang mga big shots, hindi ba???

 

Para sa susunod na Ombudsman, kung siya ay konserbatibo, sisiguruhin niya na masusunod ang “due process” at ang mga ebidensyang magdidiin sa mga akusado ay beyond reasonable doubt bago magsampa ng kaso sa Sandiganbayan.

 

Subalit matagal ang prosesong ito at maiinip ang mga tao.

 

Kung gusto naman ng tunay na pananakot sa mga korup, dapat maglagay si PNoy ng mga katulad ni Justice Secretary Leila de Lima or ni Congressman Rudy Farinas. Mga astiging katulad nila ang handang humarap sa legal risks na mabaliktad ng Sandiganbayan at maging ng Korte Suprema.

 

Subalit hahabulin ng mga human rights advocates ang ganitong  klase na Ombudsman. Mahirap ang magiging katayuan ni PNoy pero sa ganang amin tumaya na tayo sapagkat limang taon na lamang ang natitira sa kanyang panunungkulan at kailangan niyang kaagad na maglinis upang matupad ang kanyang campaign promise na alisin ang korup sa pamahalaan. Sa pagsasampa lamang ng mga kaso sa Ombudsman, mabibigyan ng pagkakataon si PNoy na masuspindi ang isang opisyal. Ito ang tanging paraan upang alisin ang mga scalawags sa pwesto.

 

Mukhang mas lumaki ang problema ni PNoy sa pag-alis ni Merci. Wala na siyang Merci na maaaring sipain.

 

--------------------------

 

Ang Sa Ganang Amin ay editoryal mula sa Institute for Studies in Asian Church and Culture (ISACC). Mapapakinggan din ito tuwing Miyerkules, 9:00 n.u. sa radyo, ipihit lang sa 702 DZAS-AM. Para sa inyong mga komento mag-email lang sa  This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o mag-text sa 0923-7093393 begin_of_the_skype_highlighting 0923-7093393 end_of_the_skype_highlighting (SGA_Comment_Pangalan).

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC