Lucy enjoys being a 'Paparazzi' co-host


SI Cong. Lucy Torres-Gomez pa rin ang guest-co-host sa Paparazzi, bilang karelyebo ni Ruffa Gutierrez, at kering-keri namang mag-host ng showbiz talk show ng misis ni Richard Gomez.

Say nga ni Lucy, medyo mahirap daw pala mag-host, pero enjoy daw siya. At kahit naisisingit ng magandang kongresista ang showbiz career, mas importante pa rin daw sa kanya ang trabaho bilang politiko.

Wala namang maipipintas kay Lucy nu’ng pasukin nito ang pulitika dahil malinis ang reputasyon ng kanilang pamilya sa Ormoc City.

“Hindi lang sa malinis na image, ang challenge talaga sa pulitika is how you deal with people. Kasi lahat ng klaseng karakter nandodoon,” kuwento ni Lucy.

Dahil enjoy si Lucy bilang guest-co-host sa Paparazzi, hindi kaya maisipan ng network na gawing permanenteng host na si Lucy, na tulad ni Zoren, nag-uumpisa rin lang noon bilang co-host nina ’Nay Cristy Fermin, Mo Twister, Ruffa at  Dolly Anne Carvajal. What do you think, Omar S.?

First time ding aarte si Lucy sa widescreen dahil tinanggap na niya ang offer ni Sen. Bong Revilla na mag-guest sa filmfest entry nitong Panday 2.

* * *

NAKIPAG-USAP na kamakailan ang mister ni Claudine Barretto na si Raymart Santiago sa ABS-CBN management. Ayon sa aming source gusto raw kasi ni Raymart na lumipat ng network.

Kaya kung ano ang napag-usapan ng Dos at ni Raymart, ‘yun ang inaabangan ng marami. Katatapos lang gawin ni Raymart sa Kapuso Network ang Futbulilits na nag-end lang last month.

Pero hanggang ngayon tikom pa rin si Raymart tungkol sa hiwalayan nila ng misis niyang si Claudine, lalo na ang tungkol sa isyu ng milyong pisong nai-withdraw sa joint account nila ni Claudine  sa isang bangko.

* * *

ISA si Kuya Boy Abunda sa humanga sa ginawang rendition ng national anthem natin sa boxing fight ni Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez last Sunday ng Fil-Canadian singing sensation na si Mina Aragon.

“Bravo! Mina, ikaw na nga,” pagmamalaki ni Kuya Boy.

* * *

SINCE nakapanganak na si Songbird Regine Velasquez sa baby boy nila ni Ogie Alcasid, inaabangan naman ng lahat, lalo na ni Jacklyn  Jose, ang panganganak ng anak niyang si Andi Eigenmann. Pero kung ayaw mong masira ang mood ng aktres, huwag na huwag babanggitin ang pangalang Albie Casiño.

First time ding sinagot ni Jacklyn ang isyung ipapa-DNA test umano ng pamil-ya ni Albie ang magiging anak ni Andi para malaman kung ang young actor nga ang tatay nito.

“Walang DNA test na magaganap kailanman, wala! Pasensiya siya, dahil wala akong pakialam kung sumali sila o hindi. I do not care about them or their family. Siya at ang kanyang nanay, at lahat ng mga nakita ko sa interview. Wala akong pakialam. So, huwag nila akong pakialaman kapag lumabas na ang bata. Nagagalit ako. Napanood ko, eh. Tumatalak ng DNA, eh, manganganak na!” gigil sa galit na pahayag ni Jacklyn.

Giit pa nito, sigurado raw siyang alam ni Albie na siya ang ama ng dinadala ni Andi.

“They took the pregnancy test, silang dalawa ni Andi,” kuwento ni Jacklyn.

Hindi rin nagustuhan ng aktres na sila pa ang dapat lumapit sa pamilya Casiño.

“I don’t wanna deal with him. In fact, I don’t wanna see him. He’s not welcome in my life, in Andi’s life, or my apo’s life! The whole clan of the Casiño, whatever,” hirit pa nito.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC