Dalaw Distrito ni Alcala sa Bulacan


MALOLOS City -- Tagumpay ang ginawang Farmers Forum at Dalaw Distrito ni Agriculture Secretary Proceso Alcala katuwang ang kongresista ng ikatlong distrito ng Bulacan na si Cong. Jonjon Mendoza sa Bgy. Tartaro, San Miguel, Bulacan.

Namigay ng ayuda sina Alcala at Mendoza sa  mga magsasakang nasalanta ng nagdaang kalamidad particular ang mga maggugulay sa ika-3 distrito ng lalawigan.

Ang bayan ng San Miguel  ang isa sa mga nasalantang lugar sa Bulacan sa kasagsagan ng bagyong Pedring at Quiel.

P18 milyong tulong na tatawaging Pinakbet Production na magsisilbing panimula ng mga magsasaka upang makabangon sa kanilang pamumuhay matapos ang nangyaring kalamidad na nagresulta nang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin partikular ang gulay.

Kinikilala ni Alcala at Mendoza  ang mahalagang papel ng mga magsasaka na siyang pangunahing sandalan ng bansa lalo na ng kalakhang Maynila sa pagseguro sa katatagan at suplay ng pagkain.

Hindi na rin pinaligtas ng dalawang leader na madalaw ang Bulo Dam Irrigation System sa Bgy. Malibay, San Miguel, Bulacan, na nasira ng nagdaang kalamidad.

Masusing binusisi ng dalawa kasama ang mga engineer ng National Irrigatiom Administration at DPWH ang nabanggit na dam.

Nakita ni Alcala at Mendoza ang nasira sa nabanggit na dam at nagkasundo na ipagagawa at ililipat sa pamamahala ng NIA ang pag-aalaga  pag-naayos na ang memorandum of agreement.

Ang Bulo Dam Irrigation System ay ginawa ng Department of Public Works and Highways noong 1992 sa ilalim ng Small Water Impounding  (SWIM) Project.

Inilipat ng DPWH ang pamamahala sa provincial government ng Bulacan noong 2004.


Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC