Ogie now calls Regine 'Big Bird'

 

NAGMIMISTULANG bilanggo ngayon sa sariling bahay ngayon si Regine Velasquez.

Huminto sa pag-inog ang kanyang showbiz world. Hindi siya lumalabas ng bahay, maliban na lang kung magpapa-check-up sa kanyang doktor sa kanyang pag-bubuntis.

Dahil ‘nakakulong’ na nga sa bahay, walang ginawa si Regine kundi kumain nang kumain.  Lumobo tuloy siya nang husto. 

Ang tawag na nga raw ngayon ni Ogie Alcasid sa Songbird ay ‘Big Bird.’Mabuti na lang hindi naging ‘Yellow Bird ‘ ng Sesame Street, hahaha!

Samantala, naging isyu ang pag-deny ni Ogie sa tsikang kumakalat na baby boy ang panganay nilang mag-asawa. Lumalabas daw tuloy na tila ayaw ni Ogie na maging boy ang kanilang panganay ni Regine.

Pero sa isang interview kay Ogie lately, para siguro makabawi,  sinabi nitong sakaling baby boy ang isisilang ni Regine, magiging super-happy siya.

Oo nga naman, ‘di ba lahat, babae ang naging mga anak ni Ogie sa dati niyang asawang si Michelle Van Eimereen?

*  *  *

KUNG may isang bagay man na nakalamang ngayon ang Kapatid laban sa  Kapuso at Kapamilya (GMA7 at ABS CBN), ito ay ang TV5 ang nakakuha ng rights para isalin sa telebisyon ang isa pang icon sa showbiz industry, ang Bagets  na naging sikat na sikat noong dekada 80s.

Pinagbidahan noon nina Aga Muhlach, Raymund Lauchengco, JC Bonnin at Herbert Bautista ang pelikulang Bagets.  

O ‘di nga ba sumikat nang husto ang mga ito noong 80s? Sina Aga at Herbert, napanatili pa nga ang kanilang kasikatan hanggang ngayon. 

Si Herbert ay naging mayor pa ng Quezon City.  At si Aga ay patuloy sa pamamayagpag bilang lead actor, recently ay ang pinipilihan sa takilya nilang movie ni Angel Locsin titled In the Name of Love ng Star Cinema.

Sa TV version ng Bagets, na mapapanood bukas, May 15, ipinakilala ng TV5 ang mga bagong iidolohin ng masa na sina AJ Muhlach, Aki Torio,  Rico dela Cruz, Josh Padilla, Shy Carlos, Megs Imperial, Eula Caballero, Nadine Lustre at marami pang iba.

Sa mabusising direksyon ito ni Mark Reyes at sa presscon ng Bagets, kung saan ipinakita ang first episode nito, masasabing magiging patok na patok ito dahil sa laki ng produk-syon.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC