Phil capitalizing on Angel's popularity?

 

Ngayong inamin na ni Angel Locsin na totoong lumalabas sila ni Phil Younghusband, may nakikisimpatya naman kay Luis Manzano,  na hanggang sa huli ay  binibigay ang lahat mapansin lang muli ni Angel.

How true na talagang  ipingangalandakan  pa raw nitong si  Phil sa Twitter na  ka-date niya si Angel at tila super-proud ang  atleta na  madikit ang pangalan sa  sikat na aktres?

Wala naman sanang masama  sa bagay na  ito, pero sa tingin  namin at  maging  ang komento rin ng karamihan, gamit na  gamit na ni Phil si Angel, huh!

Hindi naman nagbibigay ng anumang komento si Luis tungkol kay Angel at sa karibal niyang Azkal player pero balitang ginagawa raw ni Luis ang lahat to win Angel back.

But sad to say, mukhang wala na itong epekto.

Komento pa ng isang fan ni Luis, ano raw ba kaya ang nagawang  kasalanan ng  TV  host kay Angel at  tila nahirapan itong balikan ang dating kasintahan na kahit  lahat ng best efforts ng binata ni Gob. Vilma Santos-Recto ay ginawa na niya?

In fairness kay Luis, walang gamitan factor nu’ng naging sila ni Angel kasi naman may name at may napatunayan na siya na siya, noh!

Ayon pa sa mga usap-usapan, talagang sina Angel at Phil daw ang laging magkasama ngayon at  balitang  kapag may libreng oras ang dalaga, si  Phil ang  ka-date nito.

Nakakalokah lang isipin, kung totoo rin ang  tsikang type raw ni Phil  mag-artista since ito ang nauna niyang  balak when he first  came  to the country, the easiest way nga na  makilala siya  ng lahat ang pagkakaugnay niya kay Angel. 

Hindi yata ito magandang tingnan, ayon pa sa iba, dahil parang stepping stone  daw nitong si Phil  para makilala ng Pinoy  viewers ang pagkaka-link kay Angel.

Hmmmm... May punto nga naman!

Sa tingin namin, si Angel pa rin ang may last say tungkol sa bagay na ito.

Siya ang mas nakakaramdam kung  ginagamit lang ba siya ni Phil o  tunay ba at sincere ang intentions ng binata  para sa kanya.

Si Angel lang ang maka-kapagsasabi kung ano talaga ang kahulugan ng  pakikitungo sa kanya ng  binata.

Eh, kung sa tingin ni Angel  hindi siya  ginagamit ni Phil kahit mega-obvious na  ang   gamitan isyu  sa kanila, eh ’di, go!

Gaya ng sabi ng  aktres sa presscon ng In The Name of Love,   mahirap  daw talaga siyang ma-inlove.

Bigay-todo sa taong mahal niya at wala ng tanong basta mahal niya ito. 

Sa tingin ninyo, in love na ba si Angel kay Phil?

Well, sana hindi  pa huli para kay Angel na mag-isip muna bago tuluyang mahulog at ma-in love lalo na kung gagamitin lang siya ng lalaking mamahalin niya.

‘Yun na!

* * *

Ngayong  Sabado na ang muling magbabalik sa telebisyon si Willie Revillame sa via Will Time, Big Time sa TV5!

Handang-handa na ang buong staff ni Wil sa muling  paglabas sa ere ng kanilang show na bago na ang title, huh!

Napag-alaman din naming hi-tech ang gagamitin sa show tulad ng  LED floor,  at computerized something ang sahig para mas lalong gana-han ang audience at televiewers.

Balitang milyones ang ginastos ni Willie dito, na mas modern at mas maraming bagong segments and games ang mapapanood para i-entertain tayo.

Wala na talagang atrasan ang pagbabalik  ni Willie Boy  kesehodang may mga  isyu pa rin sa kanya.

Ang importante, napawalang-sala siya sa kasong child abuse na ibinibintang sa kanya.

Dahil mas bongga ang games ng Will Time, Big Time, asahang bigger ang mga pa-premyo at ipamimigay sa show! 

Ang hindi lang namin knows kung may nagbago  rin sa age-limit ng magiging contestants sa games nito.

Siyempre naman mas maingat na ngayon ang staff ng programa, ’di ba?

Muli na namang mabubuhayan ng loob ang mga matatanda na pumipila araw-araw sa labas ng  TV5  na umaabot na hanggang highway ng Novaliches, huh! 

Nakakabilib ang suportang  binibigay ng Kapatid Network, higit lalo si Mr. Manny  V. Pangilinan kay Willie. Hindi talaga sila bumitiw kay Willie, kahit pa masalimuot ang laban na kinaharap ng controversial host.

Kaya, tutok lang sa TV5 para sa bonggang pagbabalik sa ere ngayong Sabado ni Willie at ang kanyang Will Time Big Time, ala-5 ng hapon.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC